MAX “Dumating ka na pala,” napatingin ako kay SUzy na biglang lumabas sa apartment niya. Nagsususi ako ngayon ng pinto para sana makapasok na ako. “Bakit?” tanong ko sa kaniya. Mukhang inaabangan niya ako. “May pumarito kanina, hinahanap ka. Marami silang tinatanong tungkol sa iyo pero wala naman akong nasagot kahit na isa kasi maliban sa pangalan mo, wala naman akong alam sa iyo. Meron pala, may gwapo at mayaman kang kaibigan na parang may malaking galit sa akin," pakukwento nito. “Sino raw? Hindi ba sinabi ang pangalan?"” Wala naman akong utang kaya wala akong maisip na maghahanap sa akin. Kahit nga sa renta ng apartment talagang sinisiguro ko na nagbabayad ako sa oras para hindi ko marinig ang bunganga ng ina ni Marky na masyadong masakit magsalita. Wala akong ideya kung sino ang

