Chapter 9
Aira's POV
Isang araw na ang nakalipas at nasa resort pa ako kasama sina Cristy. Kasalukuyan kaming nakatambay sa labas at nagpla-planong mag-inuman.
"Nadine, bakit pala wala kang classmates na inimbita?" Rinig kong tanong ni Charles sa pinsan niya. Tumingin naman ako kay Nadine na busy sa kanyang kuko.
Sumimangot lamang ito.
"Eh mga bobo kasi sila e. Hindi nila masabayan trip ko. Wala talaga akong friend doon." Sumandal siya sa upuan niya at nag-isip. Tapos nagkibit balikat "Meron naman, isa. Pero away sumama kaya pinabayaan ko na lang." She added. I looked at Cristy who's staring at her. Napailing na lamang siya.
"Huwag kang masyadong masungit sa lahat. Alam kong mas malala ka kaysa sa’akin pero ka-kailanganin mo din ng kaibigan." Payo ni Cristy dito pero lalong humaba ang nguso ni Nadine. Napailing na lang ako.
"Ate, wala nga akong trip sa kanila. Bakit pa ako maghahanap e nandito naman kayo. At tsaka, okay na ako kay Apollo." She said. Hindi na nagsalita si friendship at hinayaan ang kapatid. Alam naman namin na walang makakapagpabago ng isip ng batang iyan.
"Anyway guys, bar tayo?" Yaya ni Chester mayamaya kaya napatingin kaming lahat rito. Ngumisi siya sa’amin at tinuro si Nadine.
"Baby, bawal ka pa doon. Kami na lang." Sabi nito pero umiling lang si Nadine.
"No way, sasama ako o sasama ako." Pilit nito. Kumapit siya sa amin ni Cristy at tinaasan ng kilay ang magkapatid. Tumawa lamang ako ng makita ang nawalang pag-asa sa mukha ni Chester.
"Ang tigas naman ng ulo ng kapatid mo! " Tumawa kaming lahat sa sinabi niya kay Cristy. Wala na din kaming sinayang na oras at lumabas na ng bahay.
------
"Sana hindi mo pinauwi si Brix." Pukaw pansin sa’akin ni Chester pagpasok namin sa VIP room. Umiling lang ako at naupo.
"Busy iyon. Baka nga babalik si Ate Tyra sa Paris at siya na naman ang mamamahala sa negosyo nila." Paliwanag ko. Umuwi na kasi sina Brix kaninang umaga kasama ang mga magulang nina Cristy. Tatlong araw kasi kami dito dahil iyon ang hiniling ni Nadine kay Tito Fhax. Gastos naman nilang lahat. Ipakita mo lang ang card ng mag-asawa na exclusively dito sa resort.
"Hoy, nakikinig ka ba?" Cristy snapped her fingers that made me back to reality. Kumunot ang noo ko pero nagkibit balikat lang siya.
"Ang sabi ko, anong problema niyo ng daddy mo? Nasabi sa’akin ni Brix pero tanungin daw kita." She raised her brows. Nakipagtitigan lang ako rito at kumuha ng alak. Ininom ko iyon at napapikit sa init nang dumaan ito sa lalamunan ko.
"Mukhang mabigat iyan friend. Sige, inom na lang tayo bago ka magkwento." She told me then gave me another glass. Hindi na ako umangal at ininom lahat ng ibinigay niyang alak sa’akin.
Pagkatapos ng ilang oras ay nakaramdam na ako ng hilo. Napatingin ako kay Nadine na nakahiga na sa isang couch, si Cristy na seryosong nakikipag-usap kay Charles, at si Chester na may tinatawagan sa cellphone niya. Napatingin ako sa mga boteng wala ng laman. Ang kalat na ng paligid namin. Napatawa ako bigla.
"Sa dami ng mga iyan, hindi pa ako lasing?" I asked myself. Nakita ko ang pagngisi ni Chester sa’akin. Binato naman niya ng mani ang kapatid niya at sumenyas na mag-order pa kami ng maiinom. They looked at me then shook their heads.
"Tama na." Charles said. Napasimangot ako dahil umaandar na naman ang pagiging Kuya niya sa’amin.
"Please. Ngayon lang naman ito." I pleaded. Tumingin ako kay Cristy at binigyan siya ng tingin. I saw her sighed then slowly nodded. Napangisi ako ng tumawag sila ng crew para mag-order ulit ng alak.
------
THIRD PERSON'S POV
"I love my dreams and I really want to pursue it. If you can't understand my side, maybe it's better if we'll give each other's time and space. Baka sakaling makakapag-isip tayo ng mabuti. Mahal kita pero nandito na ako, kailangan kong tapusin ito." Himigpit ang hawak ni Gelo sa kamao niya pagkatapos marinig ang sinabi ni Sheena sa kanya. Wala siyang masabi kundi tumawa lang ng pagak.
"Is that what you really want?" Bakas ang sakit sa boses niya. He's just staring at his laptop's screen, looking at his girlfriend. Nanatiling nakatingin sa kanya si Sheena hanggang sa unti-unting tumulo ang luha niya. May namuong pag-asa sa puso ni Gelo na baka maaayos pa nila ang gusot sa pagitan nilang dalawa.
"Mahal kita pero kailangan mo akong pakawalan ngayon. Kailangan nating pakawalan ang isa't isa ngayon." Sheena bowed her head. Gelo didn't give a damn answering back.
He just stared at her.
"Gelo...huwag ka namang magalit. Dalawang taon lang naman ito. Pagkatapos noon ay uuwi na ako diyan at kung gusto mo, magpakasal---"
"That's bullshit! Two f*****g years? Mabuti sana kung papayagan mo akong dumalaw diyan! Bakit ba ayaw mo? Isang araw lang naman Sheena! Mababaliw ako---"
"Babe, I'm home!" Pareho silang natigil nang marinig ni Gelo ang boses ng isang lalaki. Galit siyang tumingin kay Sheena na parang nataranta. Hindi na kailangang magtanong o magsalita ni Gelo dahil nasa mukha na ng kanyang nobya ang lahat ng sagot. He took a deep breath. He even let his tears fall for the first time. Napahawak naman ng labi si Sheena sa nakita niya.
"Damn you." He nodded as he closed his laptop. Wala sa isip siyang tumayo at kumuha ng beer sa ref. Bitbit niya ito ng lumabas ng bahay. Nagpalipas oras siya sa paglalakad habang umiinom ng alak.
"Damn it! Let me go!" Bigla siyang napatigil ng makarinig ng pamilyar na boses. He looked around, nakita niya si Aira sa isang gilid habang hawak hawak ng tatlong lalaki.
"Please...No!" Sumisigaw ito habang pilit na kumakawala sa mga nakahawak sa kanya. Hindi pa siya gaanong lasing kaya mabilis siyang lumapit sa kanila. Umiiyak si Aira habang hinahalikan ng isang lalaki ang leeg niya, iyong isa naman ay pilit na tinatanggal ang damit niya. Hawak naman siya ng isa at kitang kita na wala siyang laban dahil nagghihina talaga siya.
"No...please! Let me go!" She begged once again. Biglang nagdilim ang paningin ni Gelo kaya dali-dali itong lumapit at agad hinila ang humahalik sa kay Aira at sinuntok.
"Gago! Kapag sinabing bitawan niyo siya, bitawan niyo siya!" He shouted like a beast. Akmang susugod rin ang isa ng sinipa niya ito sa tiyan.
"Ang lakas ng loob mong labanan kami a? Baka hindi mo kami kilala?" Maangas na sabi ng lalaking nakahawak kay Aira. Tumawa lang si Gelo.
"Wala akong pakialam sa inyo. Mukha naman kayong aso. Gelo Rodriguez, baka kilala niyo?" Nakangising tanong niya sa mga ito. Tinaas niya ang binigay na card nina Naveen. Lumaki naman ang mga mata ng lalaki at tumakbo na palayo.
Napailing siya ng makita si Aira. Linapitan niya ito at hinawi ang buhok na nasa mukha niya. He wiped her tears away and gave her his hoodie. Pagkatapos ay dinala niya ito sa isang bakanteng villa. He tried to call his cousins but they didn't answer any of his calls.
Wala na siyang choice kundi ang alagaan si Aira ngayon.
He let her sat on the edge of the bed as he prepare her hot bath. Hindi niya alam kung anong nangyari pero mas importante ang sitwasyon ni Aira ngayon.
Nang medyo mainit na ang tubig ay binalikan niya ito. Umiiyak pa rin itong nakatulala. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ng dalaga.
"No…please no…" She cried again. Kumunot ang noo ni Gelo.
"Aira. Ako 'to." He points at himself.
"Please…let me go...no..." She cried harder. Ang pingtataka niya ay hindi ito nagpupumilagas. Umiiyak lamang ito at nagmamakaawa.
"Aira, ako 'to. Si Gelo. Don't worry, you're now safe. Kasama mo na ako. Wala ng mananakit sa'yo." Hinawakan kiya ang pisngi ng dalaga habang pinupunasan ang luha nito. Aira stared at him for a couple of seconds.
"Tulungan mo ako. Ang dumi-dumi na ng balat ko. Ayoko ng ganito...ilayo mo ko, Gelo. Ayoko ditto." Tuloy-tuloy na pakiusap nito habang umiiyak pa din. Yumakap na rin ito sa kanya. Naguguluhan man si Gelo sa nangyayari, gumanti na rin siya ng yakap sa dalaga.
"Tama na...hindi kita iiwan dito. Magbabayad ang mga gumawa nito sa'yo. Nandito na ako." Sabi nito, mas lalong umiyak si Aira.