Chapter 8

1589 Words
Chapter 8 Aira's POV "Galit talaga ang dad mo sa’yo. Buti na lang, malakas si Tita Naveen sa kanya." Tumatawang sabi ni Brix sa’akin nang makalabas kami ng bahay. Dalawang araw na ang lumipas ng magkita kami. Papunta kami ngayon sa resort nina Cristy dahil birthday ni Nadine. "Edi galit. Wala naman akong magagawa dahil sarado ang isipan niya." Nakahalukipkip kong sagot at sumandal sa upuan. Umiling lang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. "Pupunta din ba ang mommy mo? Si Ate Tyra?" I asked out of the blue. He just nodded then looked at me. "Malapit na daw sila doon. Ewan ko kay daddy kung sumama. Busy kasi sa trabaho. Tumawag kasi noon si Tita Naveen at sinabing dapat kompleto tayo." Sabi niya sa’akin. Tumango-tango lang ako sa kanya. "Nga pala, na-kwento ko kay ate ang nangyari sa’yo. Baka gusto mo na daw maging model at sumama sa kanya sa Paris. With that, makakawala ka sa daddy mo." He informed me. Model kasi si Ate Tyra sa ibang bansa. I tried to do modelling too, pero noong high school lang at basta uuwi siya ay tinatanong niya ako kung gusto kong sumama rito. "Ewan. Magulo ang isipan ko ngayon. Baka magsisi lang ako sa mga desisyon ko." I told him. He just shrugged then continued driving. "Tulog ka muna. Gisingin na lang kita mamaya." ------ Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko. Unti-unti akong napamulat at magkakaparehong villa naman ang nakita ko. Bigla akong nagpanic at napaayos ng upo pero kumalma din ng makita ko si Brix sa labas ng sasakyan. Yes, nasa sasakyan pa lang ako. Napatingin ako sa relo ko at nakitang alas tres na pala ng hapon. Tatlong oras rin akong natulog dito? Pero sa bilis ng pagpapatakbo niya, pwede kaming nakarating ng alas dos dito. Hindi nga niya ako ginising. Inayos ko muna ang buhok ko at lumabas ng sasakyan. Kausap niya pala ang magkapatid na Charles at Chester na anak nina Tita Coleen. "Brix." I called him. They turned their head to me. Sumipol pa si Chester kaya sinimangutan ko siya. "Gising ka na pala. Hindi na kita inistorbo dahil ang sarap ng tulog mo kanina." Brix smiled. Tumango lamang ako at lumapit pa ng konti. Bumeso-beso ako kay Charles at tinapik ang balikat ni Chester. "Long time no see." I greeted them. They just shrugged. "Ikaw kaya. Kayo lang naman ni Lily ang magkasama e. Hindi kayo nagiimbita." Sabi sa’akin ni Charles at tumawa. "Biglaan lang ang mga iyon. Besides, lagi kaya ako sa bahay nila." Proud ko pang sabi. "Sabihin mo, lagi kang nandoon para makikain." Biro naman ni Chester sa’akin. Inirapan ko lang siya at yinakap si Brix sa bewang. Tumawa lang si Charles sa amin. "Nasan pala sina Tita Naveen?" I asked them. Tinuro nila sa may bandang taas kung saan nakatayo ang bahay nina Cristy. "Edi tara na? Ano pang hinihintay niyo?" Tanong ko ulit. Maglalakad na sana ako papunta sa sasakyan ni Brix ng may dalawang motor ang papunta sa direksyon namin. They gave the keys to Charles ad Brix. So magmo-motor kami? "Diyan tayo sasakay?" I asked him. He just smiled then nodded. He pulled me closer then put the helmet on. Sumakay na din siya at sumenyas na sumakay na rin ako. "Aira! Kapit!" Sigaw ni Chester na tumatawa pa. Nag-alanganin akong hawakan sa bewang si Brix pero siya ang nagkusang kumuha sa mga kamay ko at pinulupot ito sa bewang niya. Tumawatawa silang lahat bago tahakin ang daan papunta sa bahay nina Cristy. ----- THIRD PERSON'S POV "Naku! Nandiyan na siguro iyong apat." Excited na sabi ni Bianca sa lahat kaya tumingin sila sa may gate. Ngumiti si Cristy at tumakbo palapit sa apat. Sumunod naman sa kanya si Nadine na excited ding makita si Brixon. "Kuya! Si Ate Aira pala kasama mo? Akala ko naman girlfriend mo!" Nakangisi nitong bungad. Tumawa lang ang lahat. Nang makababa sila ay ginulo ni Brix ang buhok nito. "Puro ka talaga biro. Mamaya ko pa ibibigay ang regalo mo." Ngising ganti naman ni Brixon dito. Sumimangot lang si Nadine. Yumakap naman si Cristy kay Aira at tumili pa. "Kaya pala hindi ka na pumupunta sa bahay dahil itong unggoy na ito pala ang kasama mo." May halong tampo ang boses ni Cristy. Tumawa ulit si Brixon. "Lily, quality time." He winked. Napaingos lang si Cristy. "Kayo na ba? Asa ka naman Brix!" Cristy teased him. Umakto namang nasaktan si Brixon at napahawak pa sa bandang puso niya. Bago pa makasagot ay lumapit na ang mga ginang sa kanila. Bumeso-beso naman sila at nagmistulang reunion ang kaarawan ni Nadine. KASALUKYAN silang nasa backyard at nag-iinuman. Sila-sila lang dahil may kanya-kanya naman silang trip. Nasa loob ng bahay ang mga may edad na at napagdesisyonan nilang dumito muna. "Dapat nagpa-party ka din ng bongga." Pukaw ni Brix kay Nadine na busy sa kanyang cellphone. Umingos lamang ang dalaga sa kanya. "Party?" Tinuro niya ang sarili. "Sa susunod na lang. Wala pa si kuya e. Dapat kumpleto kami." Paliwanag niya at biglang nagliwanag ang mukha niyang humarap ditto. Umiling lang si Brixon. "May tatanungin ka na naman?" Nakangising sabi niya rito. Tumawa lang si Nadine at binalingan si Aira. Tumaas naman ang kilay ng babae sa kanya. Napailing lamang si Cristy sa kapatid na parang siya talaga ang kaibigan ng mga kasama niya. Nagmamatyag lang din sina Charles at Chester sa isang tabi. Tahimik lang na umiinom si Gelo. "Nadie baby, wala kaming relasyon ni Brix. Sadyang close lang kami." Inunahan na siya ni Aira. Tumawa ulit si Nadine. "Naku Ate! Diyan nagsisimula ang lahat. Bakit ba hindi mo subukan si Kuya Brix? Gwapo naman siya a! Kasundo mo pa." Sagot ng dalaga na parang sinadyang lakasan ang huling sinabi. Umingos lang si Aira. "Ikaw ha, nakakarami ka na. Minsan naman babe ipakita mo na masaya kang nakilala ako." Singit ni Brix kaya napasipol si Chester. "Oo nga naman Aira! Hindi ba, siya lang ang sandalan mo noon tuwing tumatakas ka? Nagmistulang driver at body guard to sa'yo. All in one." Pagpapalakas ni Chester kay Brix. Tumawa lang silang lahat pwera kay Gelo na tahimik na nakikinig lang. Magkasalubong ang kilay nitong nakatingin kay Aira. Kanina pa ito binabalewala ng dalaga. "Hindi guys, ganoon na din siguro kapag napakaimportante ang isang tao sa'yo. Kapag si Lily naman iyon ay ganoon rin ang gagawin ko. Mahal ko itong dalawang ito kahit kilala lang talaga ako kapag kailangan nila ng magtatakas sa kanila." Biro pa nito at yinakap ang dalawang kaibigan. "Brix naman, magpapasulot ka pa. Gusto mo lang yakapin si Aira dinamay mo pa ako." Sita naman ni Cristy sa kanya kaya tumawa ulit silang lahat. "Wag kang mambuking! Ikaw talaga." Tumatawang sagot nito. Bumelat lamang si Cristy sa kanya at tumawa ng malakas si Nadine. "Alam mo kasi Kuya Brix kung gusto mo, gawin mo lahat para makita niyang mahal mo siya. Ang ganda ni Ate Aira. Sige ka, kung patuloy kang ganyan, madaming lalake sa paligid…" Nadine chuckled. Pasimple itong tumingin kay Gelo kaya kumunot ang noo nito. "Hindi ko naman papabayaan si Aira na mapunta kung kani-kanino lang. Siyempre, papakawalan ko na nga, sa alam kong masasaktan pa siya?" Seryosong sagot ni Brix kaya napuno ng hiyawan ang paligid. "Gago. Ang martir mo talaga." Kanchaw ni Chester dito pero ngumisi lamang siya. "Mga ulol. Nandito kaya ako." Napasimangot na singit naman ni Aira. Yumakap ito kay Cristy. "Bakit ba ako ang topic niyo? At duh, alam ko ang ginagawa ko a buhay kahit magulo ang mundo ko. Ayokong magmahal ng taong hindi ko sigurado kung mahal niya ako. At isa pa, bata pa ako." Tumawa siya. "Hindi ba friend? Gusto ko yung tulad ni Tito Fhax." Baling niya kay Cristy. "Marami namang flaws si dad. Alam namin ang nagawa niya kay mom pero sa akin lang, kung mahal mo at mahal ka niya ay okay na…hindi ganun iyon. You still need to fight together. Kung hindi man kayo at nasaktan ka, learn how to stand up and be smarter for the second time." Cristy explained her heart out. Natahimik ang lahat at nakatingin sila rito. Biglang tumayo si Gelo. "And don't let your fear conquer your soul. Kapag tapos na, tapos na. Hindi ka naman pwedeng mabuhay sa nakaraan mo. Pwede kang matakot pero hindi mo dapat ito pabayaang kainin ang sistema mo. If you're afraid, find someone who can hold your hand and walk with you. Not just someone who can say he'll stay but days after, he'll go away." He stated. Napasinghap si Nadine hindi dahil sa sinabi niya pero dahil nakatitig lang ito kay Aira. Wala namang gustong lumabas sa bibig ng dalaga pero nakatitig lang din ito kay Gelo. Walang nagsalita ni isa sa kanila hanggang sa tumayo din si Brix at tumingin kay Gelo. "May problema ka ba kay Aira?" He asked seriously. Ramdam ng lahat ang biglaang namuong tensyon sa pagitan ng tatlo. Tumawa lang si Gelo. "Ano ngayon sa'yo? Ikaw ba si Aira? At pwede ba, huwag kang papapel na boyfriend niya dahil para kang tanga." Sabi ni Gelo at ilang segudo lang ng nagkagulo ang paligd dahil nagsuntukan na silang dalawa. Si Nadine at Charles nakahawak kay Gelo habang si Chester at Cristy naman kay Brixon. Nakatingin lamang si Aira sa dalawa. "Mga gago talaga kayo. Nasa party tayo ni Nadine, wala sa boxing court. Mahiya naman kayong dalawa dito sa bata!" Sigaw ni Aira kaya napatigil ang dalaw. She shook her head then walk towards the house.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD