After I asked them about who were they, they've just made a staring contest with me. Hindi ko alam kung nagulat ba sila sa tanong ko o nanibago.
"Nakalimutan mo na ba talaga?" Tanong ng isa sa akin, yung lalaking mahaba ang buhok.
Hindi naman talaga sa nakalimutan, sadyang hindi ko lang talaga kayo kilala.
"My Lord, the priests and doctors had arrived."
Madali akong inasikaso ng mga mang-gagamot. Naputol din ang usapan namin dahil din doon. Hindi ko alam kung anong ginawa ng mga doktor pero ang galing, gumaling kaagad ako at walang ni-isa ang masakit sa katawan ko.
Pagkatapos nila akong pagalingin, idineretso naman ako ngayon sa isang paliguan, "Grabe, sobrang laki!" Mala-swimming pool ang dating pero umuusok sya kaya sa tingin ko parang hot-spring. Ako lang ang mag-isa doon, halos wala akong saplot sa katawan ng mag-tampisaw sa tubig.
"Ang sarap sa pakiramdam..."
Habang naliligo ako, hindi ko maalis sa utak ko yung nangyari sa akin bago ako mapunta sa lugar na ito. Ni-hindi ko nga naramdaman ang sakit ng mabundol nang truck dahil sa bilis ng pangyayari e. Siguro na reincarnate ako dito?
"Teka, parang mali e."
Kung na-reincarnate ako, di ba dapat isa akong sanggol? Pero pag-gising ko nasa isang lugar na ako. Saka ang katawan na ito ay napaka-ganda. Kung ganon sa tingin ko napasok ako sa katawan ng iba? Na magkaparehas parin kami ng pangalan? Lahat naman yata ng mga tao dito ay kilala ako, kung ganon anong posisyon ko dito?
"Mistress kaya ako?"
Wala akong nakitang nanay nung lalaki kanina, maski naman yung tatay wala. Isa pa, ang tawag sa kanya ay, "My Lord."
"Tawag mo ba ako?"
"AHHH!!!"
Nagulat ako nang bigla nalang nandito ang lalaking may mahabang buhok. Napa-hawak ako sa dibdib ako at medyo pinalubog ang sarili sa tubig.
"A-anong ginagawa mo dito?! Hindi mo ba nakikitang naliligo ako?!" Sigaw ko nang medyo naiinis sa kanya.
Tumawa naman sya bigla, "Lagi naman natin 'tong ginagawa...Hindi ba? Bakit umaasta kang parang isa ka nang ganap na dalaga?"
Lagi naming ginagawa 'to? Hindi, nagkakamali sya. Yung tinutukoy nya ay yung dating may-ari ng katawan na ito.
"Erm, hindi ko maalala! Kaya pwede ba? Umalis ka dito!" Nakatingin sya sa akin at nagsalita, "Acrasia.. Kakaiba talaga ang mga kinikilos mo. Galit ka ba dahil nalaman mo na ang totoo?"
Huh? Anong sinasabi nyang totoo? Hindi ko maintindihan pero kailangan kong malaman yon. Itanong ko ba kung 'Anong totoo?' pero baka sagutin nya ako ng 'What the? Nakalimutan mo rin yon? Ayos yan, mas makakabuti sayo yan.' nako basang-basa ko na ang nasa utak nya.
Natahimik nalang ako habang nakatingin sa kanya. Subalit bigla-bigla naman syang lumapit ngayon, napa-atras ako, "Teka! Anong ginagawa mo?!" at napasandal sa may pader. Yinakap nya ako ng mahigpit na mahigpit kahit na parehas kaming walang saplot.
WTF--
Hindi ko mapigilan ang mamula sa ginagawa nya, tapos sobrang tumutusok sakin yung maselang part nito.
"Gaaah! PERVERT!" Kahit kinilig ako, sinuntok ko parin sya palayo sa akin, "Ugh!" Pagka-lubog nya sa tubig kaagad akong umahon at dali-daling dumiretso kung nasaan ang mga damit ko. Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao dito, ni-hindi ko nga alam kung anong relasyon ang meron ako sa kanila.
---
Pagkatapos kong maligo. Pinapunta naman ngayon ako sa may kusina para naman kumain. Ang daming pagkain na naka-hapag sa harapan ko, napansin ko rin ang lalaki na yumakap sa akin kanina. Nasa kanya pa yung pasa na nakuha nya dahil sa kagaslawan nito.
"Ano pang ginagawa mo? Kumain kana."
Hindi ko talaga matanggal sa isip ko ang ginawa nya pero sige kakain ako dahil nagugutom na ako. Pero kahit na kumakain ako, padabog akong kumakain para mapakita ko kung gaano ako kagalit sa kanya.
"Acrasia, could it be you're still mad about before?" Napansin mo pala.
Pero ngayon ko lang na-realized, may kasabay akong kumakain. Hindi na ako mag-isa tulad ng dati. Hindi narin ako yung nagluluto at naglilinis, at lalong hindi rin ako kumakain ng tira-tira. Napa-luha ako habang kumakain.
Nagulat naman ako nang biglang tumayo yung lalaki na medyo padabog, "What's wrong?! Anong meron sa pagkain?! Hindi ba masarap? Nasaan na ang mga nagluto ng pagkain ngayong gabi?! Lumabas kayo!" Bigla-bigla nyang sigaw, nanlaki naman ang mga mata ko.
Anong ginagawa nya?!
"Uhm, masaya lang ako dahil masarap yung pagkain." Mahinang-ani ko pagkatapos ay tumingin ang lahat sa akin. "Is that so? Dapat kaagad mong sinasabi sa akin, baka napatay ko na ang mga tauhan ko dito hindi ko pa alam kung bakit ka umiiyak. Kawawa naman sila kasi madidis-grasya sila ng walang kalaban-laban hindi ba?"
What the heck. Just what the heck is he?
Pagkatapos naming kumain, muntik pa akong hindi matunawan. Naglalakad lang ako sa may malaking hallway nila. Hindi ko alam kung saan ang kwarto ng Acrasia'ng ito kaya nagbabaka sakali akong may name-plate sila sa bawat pinto.
Napansin ko sa pasilyo yung mga larawan ng lalaki dito, ang ganda ng mga suot nya. Para syang hari o kaya naman prinsipe sa isang kaharian. Pero ang mas nakapukaw ng pansin ko ay ang isang malaking larawan na kasama ako. Parang isang masayang family picture, "Kung ganon nakatira talaga ako dito?"
Sinubukan kong hawakan ang larawan pero pagkahawak ko dito, bigla nalang akong nakakita ng mga imahe.
"You're going to sacrifice me?"
"Acrasia!"
"You guys are bunches of freaks! I hate you!"
Tapos may nakita ko ang sarili ko na tumatakbo sa kung saan. Pero naririnig ko ang nasa utak nya.
"I want to die. I want to die! I don't want to be sacrificed to those monsters! Ahhh!"
Binitawan ko kaagad ang pagkakahawak ko sa litrato, napagtanto ko sa aking sarili na ang dating Acrasia noon ay may hinanakit sa mga tao rito.
"Isasakripisyo ako?"
Pero kanino ako isasakripisyo? At bakit?
Kaya ba ako ang napalit sa katawan na ito? Para ako ang isakripisyo? Kung ganon kapag nagpatuloy akong mananatili dito, siguradong isasakripisyo ako sa kung ano. Hindi ko alam kung bakit ako isasakripisyo, kaya ba nila ako pinagsisilbihan ng ganito kasi alam nilang ganon ang mangyayari sa akin.
"Ah-Acrasia! Nandito ka pala--" Pagkahawak ng isang tao sa aking balikat pagalit kong tinapik ang kamay nya palayo sa akin.
"Who are you? WHO ARE YOU?!" Sigaw ko ng malakas sa kanya na lubusan nyang ikinagulat.
Hinihingal ako ng hindi ko maipaliwanag kung bakit.
"You don't remember me?"
"I don't want to remember you." Pagalit kong sabi sa kanya tapos iniwan ko syang iniwan doon.
I clearly saw it, he was the one who's talking to Acrasia before she ran away.
"San ka pupunta? Nandito ang kwarto mo."
Napahinto ako sa paglalakad at mabilis akong pumasok sa kwarto na tinuro nya habang naka-pout.
Pag-pasok ko sa kwarto, naaamoy ko ang amoy ni 'Acrasia' hindi lang yon. Ang daming mga stuff-toys dito at ang laki ng higaan. Napa-upo nalang ako sa may tabi ng pinto, "Dinala ako dito para maging sakripisyo?"
Mamamatay nanaman ako ulit? Ilang ulit ba ako kailangang mamatay para lang magkaroon ng payapang buhay?
"I don't want to die... Again.."