DADANG POV Kinakausap ko pa rin sarili ko. As in literal na monologue habang nakatingin sa cellphone ko. Nakasandal ako sa pinto, hawak ang dibdib, sabay bulong, “Anong ginawa mo, Dadang... bakit mo siya hinalikan ulit?!” Ayan na naman. Ako na naman ang kontrabida sa sariling buhay. Kinuha ko cellphone ko ulit. Binasa ko for the tenth time yung text ni Dodong: “Salamat sa araw na ‘to. Naka-save na sa memory ko... pati yung goodnight mo.” PUTIK. ‘Yung “pati yung goodnight mo” pa talaga, parang sinuntok ako ng kilig sa sikmura. Hindi ako prepared. Parang dumaan yung LRT sa puso ko tapos walang preno. Napatalon ako sa kama. Literal na tumalbog ako doon, sabay sigaw ng, “AAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!” Narinig ako ni Tintin mula sa kabila. “ATE ANO NA NAMAN YAN?!!!” “WALA! NAALAL

