HALOS ilang buwan na rin akong nagrtatrabaho bilang katulog sa bahay ng anak ni Madam Bebe. Nagkaroon na rin naman ako ng ipon kahit na papaano pero habang mas bumibilis ang panahon, palaki nang palaki ang tiyan ko. Unti-unti ko ring nararamdaman ang takot. Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko bang maging mabuting ina sa aking anak. Hindi ko alam kung kaya ko ba. Lahat ng negatibong tumatakbo sa aking isipan ay pilit ko munang isinawalang-bahala. Wala naman kasing magagawa ang takot ko kung hahayaan ko lang na pangunahan ako nito. Walang magandang maiduudulot sa akin ito. Dalawang buwan na lamang bago ang aking kabuwanan. Medyo excited ako na kinakabahan. Normal lang naman yata ito pra sa mga first time maging ina. Alam kong sa una lang ako mahihirapan, at pagkatapos nito ay magiging

