HINDI Ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Masaya ako na kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit pero ang mahalaga, magkakaroon ako ng trabaho. Hindi man permanente pero atlis alam kong may pagkukuhanan ako. At kahit na papaano, alam ko rin na pansamantala akong makakaipon. Kailangan kong maging masinop sa pera. Kailangan kong masigasig. Hindi puwedeng hintayin ko na lang ang paglabas ng anak ko. Hindi puwedeg lalabas siya nang walang kakainin, wala akong pambili ng gatas at wala akong pangtustos sa kaniya. Marami na akong pagkukulang bilang anak sa mga magulang ko. Nagkulang din ako bilang isang estudyante dahil kahit alam kong pinaghirapan ko ang lahat ng 'yon, ako pa rin ang gumawa ng laat. Kung may pagkukulang man ako bilang girlfriend, hindi ko naman hahayaan na magkaroon ako ng p

