NAPANGITI ako nang batiin ako ng aking mga amo. Bitbit ng amo kong babae ay isang basket na sa tingin ko ay gagamitin niya para sa pamamalengke. "Ma'am, Sir, saan po ba kayo pupunta?" tanong ko para makasigurado kung tama ba ang iniisip ko. "Ah, sa palengke. Wala na kasing laman ang refrigerator," sagot ng aking babaeng amo na nakangiti sa akin. "Nako, ma'am! Ako na po ang mamamalengke," pilit ko sa kaniya. "Hindi ka ba mahihirapan? I mean, ang laki na ng tiyan mo at paniguradong siksikan ngayon sa palengke. Kaya mo ba makipagsiksikan?" nag-aalalang tanong niya. Magaan akong napangiti dahil sa inasta niya. "Ayos lang po, ma'am. Sanay na po ako." "Oh siya, sige. Dahil mapilit, ikaw na lang ang mamalengke," pagsang-ayon niya na ikinatango ko. Kaya gusto kong ako ang mamamalengke ay da

