Chapter 15: Bintang

2341 Words

ARAW, linggo at buwan ang lumipas. Maraming nangyari, marami akong pinagdaanan pero isa lang ang masasabi ko. Alam kong kinaya ko at kakayanin ko pa. Ngayong malapit na ring lumabas sa sinapupunan ko ang aking anak, alam kong mas gagaan ang lahat. Anumang oras ay lalabas na siya. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Masaya ako na kinakabahan, nandito rin ang takot pero para sa anak ko, lalakasan ko ang aking loob. Alam kong pagkatapos ng lahat ng ito, iba na ang magiging sitwasyon. Tulad ng parati kong ginagawa, naglinis ako ng bahay. Hindi na rin naman ako masyadong nakakabalik sa palengke. Kapag naman inuutusan akong magtungo roon, hindi ko na rin sinubukan pang muli na lapitan si mama. Alam ko naman na ipagtatabuyan lang niya ako ulit. Kahit na gustong-gusto ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD