NAKABUSANGOT na bumaba ako sa sinasakyang tricycle. Medyo may kalayuan pa ito sa aking apartment na inuupahan kaya kailangan ko pang maglakad. Karga-karga ko sa aking mga bisig ang aking anak na hindi ko inakalang may mahinang katawan at puso. Ang buong pag-aakala ko ay malusog ang katawan niya. Akala ko ay malakas ang katawan niya. Kaya nang marinig ko ang sinabi sa akin ng doktor, hindi ako lubos na makapaniwala. Subalit, kahit na anong pilit ko sa aking sarili na kuwestiyunin ang narinig mula sa doktor ay wala na akong iba pang makuhang sagot kung hindi ang tanggapin na lamang ang katotohanang hindi malusog ang aking anak. Wala rin namang ibang maaaring sisihin sa kalagayan ni Raiden ngayon kung hindi ako lang. Siguro kung naging maingat lang ako noon habang nasa sinapupunan ko pa

