MATAPOS naming kumain ay saglit muna kaming nanatili ng anak ko sa bahay nila ate Karla. Saglit kaming nagkuwentuhan at kahit na sobrang gusto ko nang sabihin sa kanila kung ano ang pinagdadaanan ko, mas pinili ko na lamang ang tumahimik. Alam ko naman kasing walang ibang makakatulong sa poblema ko kung hindi ako lang din. Kailangan kong kumilos para magkaroon ako ng pampagamot sa aking anak. Kung sasabihin ko lang din naman kila Ate Karla, wala naman silang pera. Alam ko naman kasi na sakto lang din ang kinikita nilang dalawa. At alam kong mamomroblema lang din sila kagaya ko kung sasabihin ko pa sa kanila kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. Nang magsawa kami sa kuwentuhan ay kaagad naman akong nagpaalam na sa kanila. Kailangan na magpahinga ni Raiden at hindi makabubuti kung igagala

