NAKANGITI kong pinagmasdan ang aking anak. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong maayos na tulog pero ayos lang. Hindi ko rin naman nararamdaman ang pagod. Siguro ganito nga talaga ang pakiramdam na maging isang ina. Makita ko lang na nasa maayos na kalagayan ang anak ko, magiging kampante na rin ang puso at isipan ko. "Hi, baby Raiden Alsie," bati ko sa kaniya. Hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa labi habang nilalaro ang kaniyang maliliit na daliri. Kung siguro hindi mali ang pagkakataon na isinilang ko siya, baka tuwang-tuwa ngayon si mama at papa. Baka suportado nila ako at baka ginagabayan nila ako ngayon sa pag-aalaga sa anak ko. Kung nasa maayos na edad ako bago lumabas si Raiden Alsie, malamang daig pa ako ng lola niya sa pag-aalaga. Siguro ay nandito ngayon ang lolo niya para la

