Caelen’s POV Simula noong umalis kami sa kinainan namin kanina ay hindi na siya kumikibo. Ang dahilan kaya ng katahimikan niya ay dahil busog siya? Biro lang, baka lalong mawala sa mood kapag biniro ko pa siya dahil kanina pa siya inaasar ng mga kapatid niya. Tumingin ako sa kanya at blangko pa ang ekspresiyon ng mukha niya. “Ano ang problema? Bakit parang ang tahimik mo naman ngayon?” “Inaantok lang ako,” sabi niya. Sakto pa na naghikab siya pagkatapos niya iyong sabihin. “Matulog ka muna. Hindi naman kita pipigilan na umidlip ngayon kaya magpahinga ka lang diyan.” “Saan ba tayo pupunta?” tanong niya pero ngumiti lang ako bilang sagot. Akala yata niya ay niloloko lang siya ng mga kapatid niya kanina na ihahatid ko na lang siya sa tutuluyan nila. Ayaw pang maniwala na oras namin iton

