Michiko’s POV Kagaya ng napag-usapan nina Kuya Euan at Caelen ay inihatid niya ako sa tinutuluyan namin dahil nga ayaw na nila na mag-biyahe pa ng gabi kaya bukas ng umaga na lang kami babalik sa Baguio. Kahit nga halatang miss na ni Kuya Euan ang mag-ina niya ay hindi naman niya gustong makipagsapalaran sa pagbiyahe ng gabi kung puwede naman na bukas na kami umalis. Nasa labas pa kami ni Caelen at nag-uusap pa. Nagtanong siya kung kinakausap na ba ulit ako nina Mommy Ella at sinabi ko naman na kinakausap na ulit ako pero parang nagkaroon ng harang sa pagitan namin. Malungkot man na ganoon ang nangyayari ay alam ko naman na maiintindihan ako ni Mommy Ella at ang kailangan lang niya ay oras para matanggap iyon. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng ina kaya iintindihin ko siya. Siya na

