Michiko’s POV “Ang aga mo namang nakasimangot diyan. Baka walang pumasok na customer dito. Ano ba ang problema? Gutom ka ba?” bungad naman sa akin ng kapatid kong si Jiro dahil ang isang ito ay walang pasok ngayon at gusto lang tumambay sa flower shop. Mas okay nga na sumasama siya sa akin kaysa naman kung saan-saan siya magpunta at kung sino-sino pa ang kasama niya. Kahit alam kong mapupuno ang araw ko ng pang-aasar niya ay ayos lang din para naman hindi na ako ma-stress sa paghahanap ko sa kanya dahil kung saan-saan gumagala ang pasaway na ito. “Kapag sinabi ko ba na gutom ako ay ililibre mo ako?” tanong ko sa kanya. “Oo naman! Marami kaya akong allowance kaya puwede kitang ilibre!” sagot naman niya at napa-iling na lang ako dahil ang allowance na tinutukoy niya ay galing din naman sa

