Michiko’s POV Hindi iniaalis ni Caelen ang tingin sa akin kahit na kumakain kaming dalawa. Noong sinubuan ko nga siya ng ulam ko ay kinain lang niya iyon pero hindi pa rin niya iniaalis ang tingin sa akin. Sinubuan ko lang naman siya para matanggal ang pagkakatitig niya sa akin pero mukhang hindi naman umepekto sa kanya. In love na in love naman yata sa akin ang nobyo ko, ah? Sinubuan ko lang ulit siya at ganoon lang ulit ang ginawa niya. Mukhang gusto lang niya na sinusubuan ko siya, ah! Nahihiya na ako sa pagtitig na ginagawa niya sa akin. Kapag hindi pa siya tumigil ay ako na rin ang kakainsa pagkain niya! “Caelen, wala ka bang balak na kumain? Tititigan mo lang ba ako?” Masungit pa ang pagkakatanong ko sa kanya pero nginitian pa niya ako. “Oo, busog na ako,” sabi pa niya kaya ang gi

