Michiko’s POV Parang gusto ko na lang matawa sa nakikita ko ngayon. Nandito kami sa Tagaytay para puntahan at pasyalan ang ipinagawa naming rest house. Hindi ganito ang inaasahan na makikita ko dahil ang nakita ko lang naman sa plano ay simpleng rest house design lang talaga at nakatatawa naman kung tatawagin pa rin namin itong “simple rest house” kung malayo naman iyon sa pagiging simple! Natatawa ako dahil rest house pa rin ang tawag namin dito na ang nasa imagination ko lang naman ay maliit at simplpeng-simpleng rest house pero malaki ito at sobrang ganda pa! Mas maganda pa nga yata ito kaysa sa bahay namin sa Baguio! Hindi ganito ang inaasahan ko pero nilampasan pa nito ang expectation ko! Kagaya nga ng sinabi ko ay simple lang talaga ang inaasahan ko . . . actually iyon naman talaga

