Michiko’s POV Kagaya ng dati ay maraming trabaho ngayon at abala rin si Caelen sa trabaho niya kaya sinabi ko sa kanya na hindi naman niya ako kailangang sunduin sa bahay at ihatid sa trabaho kaya maaga akong umalis sa bahay dahil dadaan pa ako kina Nanay, Tatay, at Vonn. Madalas na hapon ako dumaraan dito pero nasanay ako na umaga sila dinadalaw ngayon dahil gusto kong isa sila sa pinagsasabihan ko ng mga nararamdaman ko at sila ang kasama ko sa pagsisimula ng araw. Hindi ko man iyon nagagawa araw-araw ay hindi ko naman sila nakalilimutan. Umupo ako para kausapin sina Nanay at Tatay. “’Nay, ’Tay, nagustuhan niyo po ba ang new look ng napakaganda niyong anak? Kung nakikita niyo po siguro ako ay magugulat kayo na sobrang nagpa-ikli ako ng buhok ngayon. Ang sabi po nila ay broken hearted a

