CHAPTER 59 - MULING PAGTATAGPO

1677 Words

LUMIPAS ang tatlong taon at ngayon ay isa nang ganap na doktor si Dianna na nagtatrabaho sa isang pampribadong hospital. Natupad na niya ang kaisa-isa niyang pangarap at iyon ay ang makapagligtas ng buhay ng mga taong nasa bingit ng kamatayan. Samantala, lumipas na rin ang tatlong taon nang pamamalagi ni Tristan sa Pilipinas ngunit kahit anino ni Dianna ay hindi niya nakita. Hanggang sa siya ay magdesisyon na sa Pilipinas na lamang tuluyang tumira hangga't hindi pa niya nalalaman kung si Dianna ba ay may asawa na. Maya't maya kung balikan niya sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Yannah sa nakalipas na tatlong taon. Hangga't walang kasiguraduhan ay mananatili sa kaniyang isipan na may natitira pa ring pag-asa kahit na maraming beses nang sinubok ang kaniyang katatagan sa paghihintay sa ta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD