Chapter 22 - Someday

2216 Words
I don't know why I sealed a promise with him if he is not going to fulfill it. In normal days, he'd go to the clinic just to give me grape or berry juice from their plantation, sometimes he'd buy me lunch. Na minsan rin ay nagiging kakaiba na rin ang tingin ni Kara. "Could you please stop what you are doing? You're at it again," bulong ko kay Axis matapos niyang ilapag ang isang lunchbox sa aking mesa. "Paano kung mag-isip ang iba tungkol sa ginagawa mo sa'kin?" pagpatuloy ko. "Then I'll buy ma'am Kara a lunch and juice too, or the other faculty teachers. I'll make yours special though." And true to his words, he'd buy Cathy and Makoy lunch too the next day. Kaya hindi ko na napigilang hilahin siya papunta sa likuran ng isang classroom. "Itigil mo na nga 'to Axis, diba nangako ka?" "My gesture doesn't mean anything, miss, masyado naman ata kayong assuming. Hindi naman porque maganda ka iisipin mo nang ginagawa ko to dahil nililigawan kita." Tuwang-tuwa siya sa mga pinagsasabi niya. Ako naman ay naiirita na, may mga oras na nagiging clingy siya na pati sa training ko sa mga atleta ko ay nandoroon siya imbes sa basketball court, kahit sa pagpasok ko sa dancesport kapag weekends, palagi siyang nandoon, paano kung mapansin ang mga ginagawa niya ng iba? "What do you want me to do... hide from you? I can't do that." Nagtaas ito ng kilay. "My feelings for you are just a secret, promise!" Nataas pa ito ng kaliwang kamay niya bilang pangako. Napataas ako ng kilay at kunyari nanginig. "You're so cringe, little boy." "And it's not a secret, dahil konti na lang malalaman na ng iba dahil sa pinaggawa mo, and also, if you are going to promise, raise your right arm!" dagdag ko pa. Naiirita na ako sa katigasan ng ulo niya. "I'm left-handed, miss," palusot nito, "andI'm not a little boy, I've got the skills a man can, and how do you even define a man? By their age?" "By their action, Axis," diin ko. Bumuntong-hininha ito bilang pagsuko, marahil alam niyang napaka-immature ng mga pinagagawa niya. "Anong gusto mong gawin ko?" tanong nito. "Itigil mo na ang pgbibigay ng juice o pagbibili ng lunch sa'kin," dugtong ko, lalo pa itong bumuntong-hinga. "Ano pa?" bored niyang tanong. "Pag training niyo, training niyo lang... hindi ka naman atleta sa swimming o kahit ng dance sport." Bumuntong-hinga ulit siya. "At wag ka ngang maghihintay sa labas ng klase ko, pati ba naman doon?" muli kong dagdag. "Ano pa ang gusto ng... baby ko, para hindi siya magalit—" "Baby! That is so childish! Stop it!" Naeskandalo na naman ako sa sinabing endearment niya, nanggigil ako sa kanya, gusto ko siyang– kurutin. "Edi... babyboo." Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang ngiti, anong nakakatuwa? "H'wag mo na akong lalapitan!" Minsan gusto kong gawin niya 'yon, pero 'wag niya namang ipahalata araw-araw. Oh my gosh! Did I just admit that to myself? What happened to our promises to each other just days ago, we cannot even have the courage to talk, and here we are again, back to zero. "Pero siguro p'wde namang tignan... diba babyboo?" tanong niya. "Ugh! Babyboo's too cringe, stop it." Nag-irap ako ng mata at siya naman ay nagkibit ng balikat. Ngumuso siya. "Bye. Babyboo!" Kumindat siya at nginiwian ko naman. "W-well, Miss is fine, no one calls me that other than you," mahina kong sabi, mas maayos na yung 'miss' ang itawag niya sa akin nang manahimikna siya sa endearment niyang nakakatakot pakinggan. Napataas ang isang kilay nito kasabay ng pagsilay ng kanyang ngiti. "Miss Babyboo?" Tumawa ito at nilayasan ako, napapanganga na lang ako dahil hindi na siya napipigilan ngayon. Following the T-shirt incident, Axis completely disregarded our oath, his attention span is comparable to that of a goldfish. How quickly it fades. It was a rigid training month for the athletes as a preparation for the 'palarong pambansa' competition. The most valued sports in this school were basketball, Sepak takraw, and swimming. Since these sports usually excelled that the school almost got in in the finals, it's just that the training is lacking before. I was busy handling the students and the athletes, but as time goes by, I like those times where I am this busy. "Kapag natapos mo ang IM Karlito, sasagutin ka ni Astrud!" sabi ni Bronn, habang nagha-huddle kami matapos ang training ng swimming. Napataas ang aking kilay at napangisi, "Nililigawan mo si Astrud, Karl?" "Hindi po ah." Nakita ko ang pamumula ng balat nitong kayumanggi, natawa kaming lahat dahil mas lalo lang itong inasar ng kanyang mga kasamahan. Nakikita ko na kung paanong nasusunog ang balat nila sa matinding pag-eesaayo, ipinapangako nilang sa pagkakataong ito ay makakapasok ang sila sa cluster. Bawat isa sa kanila ay magpapartisipa sa Individual Medley, at Medley Relay, alam kong medyo nakakapagod iyon para sa kanila ngunit nakita ko kung paano sila nag-improve nitong mga nakaraang buwan. "Uy! Caspian, ba't ka nandito?" napatingin ako sa aking likuran nang biglang sumigaw si Chris ay may pinakamaiksing segundong swimmer ko ng fresstyle. "Hi coach!" bati ni Caspian, nasa nakatayong tent kami sa harap ng pool nag-huddle, ito naman ay nakatayo sa halamanang nagsisilbing pader. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isa sa mga kasama nito, nag-iwas ako ng tingin at dahil tapos na ang pulong na iyon ay inustusan ko na silang magayos ang makauwi na. "Tapos na ang traning niyo?" Ngiti ko kay Caspian, binatu rin ako noong ibang kasama nitong basketball players. "Bakit di pa kayo umuuwi?" "Hinihintay ka namin Coach," sagot ni Caspian, hindi ko tinatapon ng tingin si Axis, kahit alam kong hanggang ngayon ay nakakatitig pa rin sa akin ang huli. "Ma'am!" Napalingon ako sa sumigaw na papunta sa gawi ng nagkukumpulang basketball player. "Oh, Samwell?" magiliw ko silang binate kasama nito si Jorah, na mas ginusto kong magpokus siya sa Sepak kaysa sa swimming. "Sabay kami sayo Ma'am." "Hindi kayo sasabay kay sir Camaya, nasaan na ba siya?" "Nauna na po e, sabi po namin na sasabay kami sayo," sagot ni Jorah. "Ba't hinahanap mo siya?" Napatingin ako sa nagtanong, si Axis. "Sino?" Nawala ako sa aking sarili at nalito kung sino ang tinutukoy nito dahil sa daming kumausap sa akin. Ngumisi lang ito at ngumuso, hindi rin sinagot and tanong ko. "Sasabay din po kami sayo Coach," si Caspian, sumingit muli sa usapan. "Hindi tayo magkakasya sa tricycle." "Mag jeep po tayo Coach," agap ni Caspian. Sa huli ay sa jeep kami sumakay. Binati ako noong nagmamaneho ng jeep nang umupo sa ako front seat, bago pa ako makapagtawag ng isang katabi ko ay naisiksik na agad ako ni Axis sa front seat, napataas ang kilay ko. "Hi miss." Walang kangiti-ngiti nitong sabi. "Just so you know, I'm here." "I know." Natabunan ang usapan namin dahil sa ingay ng ibang atleta. "Then why didn't you notice me—" Naputol ang sinabi nito. "Ma'am, p'wede po bang huminto kayo saglit sa amin, may ibigay po sayo si mama." Sigaw ni Samwell kaya't napalingon ako sa aking kaliwa, ngunit bago ko pa iyon magawa ay mabilis na hinawakan ni Axis ang dalawang balikat ko upang tumigin ako sa kanang bahagi ko, kung saan nasagi ng aking ilong ang kanyang braso. "Pwede naman." Ngumiti ako, pagbalik ko ay inirapan ko si Axis. "What are you doing?" tanong ko rito dahil sa ginawa niya. "Stop looking on the other side, Miss. Stop missing me," anito. His low voice spat forth those words, which were meant to be not special, but instead my heart became frigid. How could my heart both freeze and grind so rapidly? And the small ache is tickling, my forearm hair has begun to prickle my skin. Nagkunot ako ng noo at pilit na inalis sa sistema ko ang aking pagkakabigla. Isang kahon ng mango pizza at bote ng berry juice ang ibinigay sa akin ng ina ni Samwell, dahil daw ay nabenta ang kanilang ani kaya't marami silang pagkain, sa huli ay nanatili kami ng tatlumpong minuto sa bahay nila. "Napakawalang arte talaga nitong ni Dmitrius at nakikisabay," komento nina ni Samwell. "Tulad siya ng kanyang ina," dugtong pa nito, hindi ko alam ang aking isasagot kaya't nakikinig na lang ako sa usapan nila. "Mabuti't sabado bukas at wala silang pasok," dagdag ng ina ni Samwell. "Kaya nga po, kaso kailangan ko nang maihatid ang iba at sa dulo ang tirahan nila, baka hinahanap na sa kanila." Pasimpleng pagpapaalam ko, dahil mukhang wala pa ata itong planong paalisin kami. Papalubog na ang araw nang tuluyan kong nadala ang mga bata dahil nalibang na ay nakalimot na, sa huli ay sumama ako sa paghatid hanggang sa pinakadulo. "O bakit hindi ka pa bababa?" tanong ko kay Axis nang tumigil na ang jeep sa malaking gate. "Hindi ka nga bumaba e." Humalikipkip lang ito at tumingin sa ibang direksiyon. Napairap ako, kaya natawa iyong driver. "Napakabait mo naman Trius," komento nito. apapataas na aking kilay sa inaasta nito na at mga komento ng mga matatanda sa lalaking ito, samantalang hindi ko gaanong makitaan ng kabaitan ito. They could have exaggerated their amusement toward a very minimal action that anyone can do because he is the son of the mayor and his surname screams power and richness. We really tend to idolize people above us. And when they do normal things that people below them can do, some people would find their deeds amazing. The world might be really flat and not an oblate sphere. Kanina pa nakababa sina Caspian at kasamahan nito, si Galen ang pinakahuling naihatid namin, humingi ako ng dispensa sa magulang nito dahil ginabi na ang anak nito. "Wanna have dinner with us, miss?" Huling hirit niya nang bumaba na ako at sumunod siya, napailing na lang ako. "Axis." Nilingon ko siyang may paniningkit ng mata. "I said stop doing it," "It was just an invitation from a student." Nagkibit ito ng balikat. "Invite me dinner again, next time when you are eighteen." Nakita ko ang pag-angat ng kanyang bibig. Okay, I wasn't supposed to voice it out, but I guess this is one of my traits that I didn't know existed, now that my patience has been tested to its brig. "Why are you so hard on me when you can be so soft towards the other students?" "Because you are doing it with intentions, you are doing this for some reason." "I'm doing this because I cared for you... you looked so tired and exhausted, you are getting slimmer and thinner, and I don't like it... I thought a good dinner with me someone would at least ease your busy days." He was gazing at me with so much mellowness that it made me feel like an orange leaf swaying in the wind as it gracefully descended to its inevitable ending. Gracefully enjoying its downfall... that was what I am feeling right now. He made me feel like an inadequate and unappreciative human being when he made these remarks. Because I was too preoccupied with thinking about how disorganized my thoughts are and how nebulous my abilities are to determine why I have this. Akala ko hindi ako magiging wishy-washy na tao, pero heto at mukhang nilalasap ang pabago-bagong isip ko. I am more like him. The push and pull that I am doing. He would pursue me and I would ask me not to. Then the following day I would long for itand miss that thing he usually does. "I'm sorry," I said with sincerity. "It's okay." Ngumiti ito nang matipid. "Sanay na akong lagi mong nire-reject. Okay, you can go inside." Nagdalawang isip pa akong maglakad hanggang sa makapasok at makaakyat na ako'y panaka-naka ko siyang niliingon, hindi pa rin siya umaalis doon. Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko nang mapagtanto kong kaysarap bumalik palapit sa kanya. Hinarap ko siya at kinuha ko ang aking smartphone at nagsimulang nagtipa. Me: Hope you'll have a good dinner, Axis.' Nakangiti siyang kumakaway sa akin nang marahil naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang smartphone, kaya kinuha niya iyon sa kanyang bulsa. Hindi pa ako gaanong malayo sa kanya kaya't nakita ko ang mas malawak niyang pagngiti. 09********7: Thank you, miss J Binasa ko ang reply niya. Napakunot ang noo ko, 'miss J'? 09********7: I hope you'd stop thinking that I'm doing all of these because I love you My smartphone vibrated once more for another new message from him, and I scrolled it down. Sunod-sunod and pagdating ng kanyang mga mensahe. 09********7: You are right' 09********7: I really love you' 09********7: You might think this is a shallow feeling because of my age' 09********7: You'll see one day, this isn't what you think and i'll prove that to u' I smiled with forlorn and looked back at him. In some other days I would roll my eyes and knot my forehead of his confessions, but this time I'm just too exhausted to muster the energy and show him that I am annoyed. So, I gave him my most weary yet moved expression, his words were like the lyrics of my favorite song. I wish he would receive my response. 'Someday, Axis, maybe, maybe someday.' Someday.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD