%Daiana's POV%
Mabilis akong nag lalakad palabas ng kweba at tinahak ang madilim na daan patungo sa dungeon ng isla.
Nang makarating na ako, nakita ko ang mga amazonang nakabantay sa labas.
Napaisip ako kung paano ko sila mapaalis.
Nang lumipas ang ilang sandali ay wala akong maisip kaya sumoko nalang ako. Hindi naman pweding magpakita ako o lapitan ko sila dahil paniguradong napagsabihan na sila ng ina na walang ibang papapasukin bukod sa kanya.
Napailing nalang ako.
Napahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong kaluskos sa paligid.
Agad agad naman akong nagtago sa likod ng puno para hindi ako makita ng mga umaaligid na mga amazona.
Ilang kaluskos pa ang aking narinig hanggang sa lumabas ang isang deer sa harap ko.
Muntik pa akong mapasigaw dahil sa gulat. Pero agad naman akong nakahuma ng umalis ang deer at lumilingon lingon ito sa akin.
Nagtataka naman ako sa inasal ng usa kaya tiningnan ko lang sya na may pagtataka sa mukha.
Lumapit naman ang deer sa akin at umikot sa likoran ko tsaka ako tinulak ng mahina gamit ang mahahaba nyang sungay na tila ba pinapahiwatig nya na lumakad ako sa dereksyon na gusto nya.
Hinakbang ko naman ang aking mga paa at naglakad patungo sa dereksyon na nais nya. Pagkatapos ay nilagpasan ako ng usa at nag palit na kami ng posisyon ngayon. Siya na ang nasa unahan ko na para bang siya ang may alam sa daan.
Hanip din to no? Mas maalam pa kesa saakin. Well sabagay teritoryo nya ito kaya sa situasyon naming dalawa ay talagang sya ang mas maalam.
Sinundan ko naman sya sa paglalakad. Naka ilang lingon din sya sa akin para siguro masiguro na nakasunod ako sa kanya, ng makitang nakasunod ako ay binilisan nya ang kanyang lakad.
Hindi naman ako nahirapan sa pag lalakad dahil narin sa liwanag na nagmumula sa buwan at dahil sa hindi masyadong mapuno ang parting ito ng gubat ay hindi rin ako nahirapan. Kaso lang maputik lang yung daan. Pero ok na kesa naman sa medyo madilim. Hindi ko pa naman dala yung sulo.
Nagtataka man ay patuloy ko parin syang sinusundan.
Hanggang sa makarating kami sa likod ng donguen. Nag taka ako kung bakit nya ako dinala rito. Napailing nalang ako.
Bakit ba ako sumama sa isang hayop hahay...
Tatalikod na sana ako at babalik sa lugar kung saan ako nang galing nang biglang umalulong yung deer.
Pumihit ako paharap sa kanya at tiningnan ko sya na may pagtataka.
Naka harap sya ngayon sa donguen at walang tigil sa pag alulung.
Sinundan ko naman ng tingin ang kanyang hinaharap. Ng makita ko ang isang maliit na bintana sa itaas ng donguen ay napangiti ako.
Tumigil naman sa pag alulung yung deer. Sa tantsa ko nasa 50ft. Ang taas ng maliit na bintana at kasya ang isang tao sa liit nito.
Nagtaka naman ako kung bakit may liwanag sa loob.
Siguro dahil yun sa replika na nag mumula sa buwan.
Nag hanap ako ng pweding gamitin para maakyat yung bintana. E sa layo nya sa kinatatayoan ko at may ilog pa na naka paligid dito kaya nahirapan ako.
Isang paraan lang ang naiisip ko para magtagumpay sa binabalak ko.
Ang tumalon ng mataas mula rito sa kabilang gilid ng ilog.
Naglakad ako papuntang likoran ko at humanap ng maaaring maging pwesto ko para maka bwelo sa pagtakbo.
Nang makahanap na ay pumusisyon ako at mabilis na tumakbo.
Binigay ko ang buong lakas ko sa pagtakbo para makuha ko ang tamang lipad pagtalon ko. Ng makarating na ako malapit sa gilid ng ilog ay malakas ko ipinadyak yung paa ko sa lupa para maiangat ako sa pagtalon ko.
Nagulat pa ako ng mataas ang naging pagtalon ko at saktong maaabot ko yung bintana sa itaas.
Napangiti naman ako, kung ganoy hindi ako mahihirapan sa pag-akyat. ang tanging gawin ko nalamang ay maisisiguro ko ang tamang pag landing ko.
At di nga ako nabigo dagil nahawakan ko ang b****a ng bintana. Napangiti naman ako sa galak at kasiyahan sa aking tagumpay pero.
Nawala agad ang kasiyahang naramdaman ko. Ang buong akala ko ay nagtagumpay na ako ngunit hindi naman pala.
Nabitak yung hinahawakan ko at laking pagkakamali ko dahil hindi agad ako humawak sa parte ng bintana kung saan matibay na magsisilbing hawakan ko.
Ang tanga-tanga ko kasi.
Bakit hindi ko iyon na isip. Ang bobo ko talaga kahit kailan.
Napasigaw nalang ako habang bumubulosok ako paibaba at pilit naghahanap ng makakapitan sa sulidong dingding ng donguen.
Naghalo ang kaba at tako sa loob ko dahil wala akong makapa na kahit anong bagay na maari kong mahawakan, at kung magkataon na hindi ko mapigilan ang pagbulosok ko pababa ay tiyak na basag ang bungo ko at lasuglasog ang katawan ko sa matutulis na mga bato sa ibaba.
Help me please help me ayaw ko pang mamatay no... I don't wanna die please.
Natigilan naman ako sa pagmamantra ko sa isipan ng nabutas ko ang solidong pader at nakahawak doon ang kamay ko dahilan para matigil ako sa pagbulosok pababa at saktong pag tingin ko ay kunting kunti nalang ay matutusok ang magandang katawan ko sa matutulis na batong naka totok sa may paanan ko.
Bigla naman akong kinabahan dahil sa isiping matutusok ang katawan ko. Napabuga rin ako ng hininga dahil sa relief na nararamdaman. Buti nalang ay nakahawak agad ako.
Pano ko ba maiaalis ang sarili ko rito.
Nang may ideyang namumuo sa aking isipan habang nakatingin sa aking kamay ay buong tapang at lakas kong sinubukan ang nasa isip ko. Wala namang mawawala kung susubukan ko. Ika nga nila. Have faith in your wish and it will come true.
Kaya pinang hawakan ko ang pag-asang iyon para mailigtas ko ang sarili ko sa situasyon ko ngayon.
Malakas na hinampas ko sa solidong bobong ang isa kong kamay dala ng matinding pag-asa na magagawa ko ang nagawa ng isa ko pang kamay na hindi ko namamalayan.
At laking pasasalamat ko ng tama nga ang aking nasaisip. Hindi nga ako nagkakamali. Nagawa ko nga ang nagawa ko kanina na hindi ko namamalayan.
Napangiti naman ako ng malawak at pinagpatuloy ang paghampas sa solidong pader kasabay ang paghatak ko sa aking sarili paitaas.
Hindi lang man ako nahihirapan sa ginagawa ko. Pinagpatuloy ko lang iyon hanggang sa makarating ako sa itaas at mahawakan ang b****a ng bintana.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at pumasok na ako sa loob ng donguen.
Tumalon ako mula sa mataas na binta at saktong pag landing ko ay ang pag bukas ng takip sa ibabaw ng silid.
Pumasok mula roon ang liwanag na nagmumula sa buwan sa labas at tumama ito sa isang Krystal sa gitna at kumalat ang liwanag sa bawat sulok ng silid.
Gaya ng una kong pag pasok dito ay binalot ako ng matinding liwanag at napapikit sa labis na liwanag na dulot nito sa buong paligid. Naitakip ko pa ang aking mga braso para hindi masilaw sa nakakasilaw na liwanag.
Maya maya ay naramdaman kung nawala ang liwanag at unti-unting lumalabas ang pabilog na lalagyan.
"The God Killer" - usal ko sa sarili ng makilala ang isang ispada sa gitna nito.
Pumasok ako sa bilog na lalagyan at hinarap ang Espada bago ito hinawakan at hinatak para makuha ito.
Nag labas ito ng matinding liwanag at tila inaabsorb pa nito ang liwanag sa buong paligid ng silid at isinalin sa akin.
napapikit ako dahil sa tindi ng liwanag at nang lumipas ang ilang sandali ay unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.
Nagulat ako sa aking nakita. Nasa madilim na paligid ako at nawala na ang liwanag nanagmumula sa silid. Napatingin ako sa hawak kong espada. Umiilaw ito na tila t***k ng puso.
Maya maya ay nabitawan ko iyon at nagbago naman ito ng anyo. Mula sa pagiging sandata ay nag bago ito bilang isang tao sa harapan ko.
Nakasoot ito ng puting cloak na may hood. Natatakpan din ng hood nya ang kanyang mukha. At ang tanging makikita mo lang ay ang kanyang bibig.
Napangiti sya at biglang umilaw ng puti ang kanyang mga mata.
Source
Sabi ng tinig ng isang lalaki.
Napalingon ako sa paligid at pilit hinahanap ang pinang galingan ng bosses. Ngunit purong kadiliman lang ang nakikita ko.
Source
Sabi ulit ng tinig. Sino ba yung source na tinatawag nya? Anong source ang sinasabi nya.
"Magpakita ka!" - sigaw ko
You already see me source
Sagot ng isang tinig.
"Ginagago mo ba ako e hindi pa nga kita nakikita e"
At your back
Napatingin naman ako sa aking likoran at nagtataka ako sa aking nakikita.
Siya bayong nagsasalita? Pero bakit parang hindi man lang gumagalaw ang kanyang bibig.
Tiningnan ko sya ng may pagtataka sa mukha. Pero sya, nakatitiglang sa akin.
Pilit ko namang inaaninag ang kanyang mukha pero hindi ko magawa. Tanging ang puting mata lang nya ang nakikita ko.
Hi source... Ikinagagalak kong makilala ka.
Bahagya pa syang naka yuko upang magbigay galang.
"sinong source ang tinatawag mo? Hindi source ang pangalan ko"
Tumayo naman sya ng tuwid at napa smirk.
Balang araw makikitat makikilala mo rin ang tinotokoy ko.
Hanggang sa muli...
Paalam.
Daiana.
Sabi nya at biglang nawala sa paningin ko.
Nagsabog naman sya ng liwanag at sa muling pagkakataon ay napatakip na naman ako sa aking mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag.
Maya maya ng maramdaman kong nawala na ang liwanag ay napamulat ako sa aking mga mata at muli kong nakita ang silid kung saan ako nakatayo kanina.
Hawak hawak ko ang espada na tanging makakapatay sa isang dyos.
Lumabas ako sa pabilog na lalagyan ng espada. Kasabay ng pag hakbang ko ay ang pagbaling ng paningin ko sa gintong kalasag sa aking harapan na nakalagay sa isang nagliliwanag na kahon.
Nilapitan ko iyon at muling napangiti. Hinawakan ko naman iyon at nilagay sa aking kaliwang braso.
Nabaling naman ang mata ko sa aking kaliwa ng mapansin ang liwanag, nilapitan ko iyon at nagtataka kung bakit nagliliwanag ang bahaging iyon.
Nang makalapit na ako ay nakita ko ang lasso of justice na umiilaw.
Sa kanya nagmumula ang ilaw at tila ba hinahatak ang kamay ko na hawakan ko sya.
Siguro magagamit ko rin ang lasong ito.
Kaya di na ako nagdalawang isip na kunin ang laso ng hustisya sa lalagyan nya.
Nag lakad ako sa loob at biglang naalala ko ang baluting minsan ng ipinakita sa akin ng ina.
Nilibot ko ang aking paningin at nang dumako ang paningin ko sa kabilang sulok ay napangiti ako sa aking nakikita.
"There you are" - maligayang usal ko sa aking sarili at nilapitan ang bagay na hinahanap ko.
Tinanggal ko naman ito sa rebultong nilalagyan nito at hinubad ang soot ko bago ko isinoot ang baluting bigay kako ng dyos sa amin.
Sakto namang ka size ko lang ang pinaghulmahan nito at medjo may kabigatan pero di ko na alintana iyon dahil alam kong masasanay rin ako balang araw.
Nangmakuha ko na ang pakay ko ay sakto namang dumidilim ang paligid. Hudyat ng nagsasara na ang butas sa itaas na bahagi nitong kwartong ito.
Tumingala ako sa bintanang dinaanan ko kanina at napaisip Ako sa taas niyon.
Pero bahala na try kong tumalon muli. Wala namang mawawala kung susubukan ko.
Usal ko sa isip ko.
At tumalon nga ako dala ang pag-asang magagawa kong muli ang nagawa ko kanina. At di nga ako nagkakamali dahil nagawa ko nga.
Mula sa bintana ay tumalun naman akong muli papunta sa kabilang gilid ng ilog.
Nang makatawid na ako ay tiningnan ko ang paligid.
Wala na yung usa sa kinatatayoan nya kanina. Kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad pabalik sa kweba ng banal na tubig.
Nang makarating ako sa loob ay nadatnan ko si Steven na busing-busy sa kakatingin sa kanyang watch diumano at sa papel na nasa harap nya.
Nilapitan ko naman sya at nagulat ako nang malakas nyang ibinato sa lupa ang hawak nyang relo. Tumayo sya ng tuwid at prostrate na nakapamewang habang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa kanyang buhok.
Tiningnan ko lang naman sya at di ko na inistorbo baka mamaya magalit pa sa akin. napahilamos naman sya sa kanyang mukha gamit ang dalawang kamay at pumihit paharap sa akin.
"AY KABAYO!" - malakas nyang sigaw sa gulat.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"Bakit kaylangan mo ng kabayo?" - tanong ko sa kanya.
"wala sorry nagulat lang ako."_sagot nya naman." nice outfit "-dagdag nya.
" Thanks"-naka ngiting pasasalamat ko sa kanyang papuri.
Niligpit naman nya ang kanyang mga gamit at inilagay sa bag na dala nya.
"Aalis na ako. Maaari mo ba akong ihatid sa daan palabas sa islang ito?." - tanong nya sa akin.
" Sure, but I'm going with you."- me
Pagkatapos ay sinamahan ko sya palabas dito sa kweba.
Nag lakad kami papasok ng gubat hanggang sa maka labas kami at muling tinahak ang isang daan patungo sa tabing dagat kung saan naghihintay ang sasakyan namin palabas ng islang ito.
Nang makarating kami sa tabing dagat ay napahinto naman si steven sa likoran ko. Napansin ko naman iyon kaya hinarap ko sya.
"How can me get out of here?" - takang tanong nya habang nakaharap sa dagat.
Lumapit naman ako sa kanya at pumwesto sa likoran nya tsaka kinawakan ang magkabilang mukha nya.
"We use... That." - sagot ko sa kanyang tanong at pinihit ang kanyang ulo sa deriksyong tinitingnan ko.
"A boat?" - takang tanong nya.
Nag lakad naman ako sa harap nya at naunang magtungo sa sasakyang gagamitin namin.
"You don't know how to sail?" - nakangiting tanong ko naman sakanya at sumakay sa sailboat na nasa harapan namin.
"Of course... i know." - sagot nya naman at sumakay na sa sailboat.
"so... Help me this." - lumapit naman sya sa akin at binigay sa kanya ang hawak kong lubid.
Ngunit bago pa man nya mahatak paitaas ang anchor ay nakarinig kami ng mga yabag ng mga kabayong papalapit sa amin.
Nakita kong papalapit sa dereksyon namin ang inang reyna. Napaseryoso naman ako.
Bumaba ako ng bangka at naglakad papalapit sa kinatatayoan ng inang reyna.
Huminto naman ang kanyang kabayong sinasakyan sa harap ko at ganun din ako sa harap nya.
"We cannot simply let him go."-usal ko agad habang hindi hinihiwalay ang aking paningin sa mga mata ng inang reyna. "I cannot stand by while life of innocent people are lost. I'm sorry. But I'm going mother." - buong tapang kong pagkasabi sa aking ina.
"I know." - malamig na usal nya sa akin. "at least I know I cannot stop you."
Pansin mo ang pagka walang emotion sa kanyang mga salita. Tila ba alam na nya ang mangyayaring ito sa hinaharap noon pa man.
Bumaba naman sya sa kanyang pagkakasakay sa kanyang kabayo at muli akong hinarap at hinawakan ang aking mga kamay.
Kung kanina ay parang wala syang pakialam ngayon makikita mo sa kanyang mga mata ang pangungulila at kagustohang pigilan ako ngunit alam nyang hindi maaari na tila ba nakatakda ang pangyayaring ito.
"Talaga bang buo na ang iyong pasya?." - tanong nya sa akin.
Tumango naman ako bilang sagot sa katanongan nya.
"You already know that if you want to choose to leave... You might never return" - garalgal na pagtutuloy nya sa pagsasalita at tila literal na nabiyak ang puso ko sa tono ng pananalita ng ina.
Maski ako nasasaktan na makikita syang nasasaktan pero hindi ko naman matiis na hindi iligtas ang buhay ng mga innocenting nilalang na hindi kayang lumaban at walang kaalam alam sa nagbabadyang panganib sa kanila.
"I know mother... I'm sorry" - sagot ko naman sa kanya.
"Well... Keep this." - sabay abot sa akin ng isang maliit na kalasag na kurting kristal na kulay ginto na may nakaukit na bituin sa gitna.
"Ito... Isang simbilo ng walang kapantay na katapatang paglilingkod ng ating minamahal na si magayon. Ibibigay ko to sa iyo ng sagayoy maalala mo ako at kaming naiiwan mo rito sa islang ito. At para malaman mong kahit ano mang mangyayari ay narito lang kami. Kasama mo kami parati at hindi ka nag-iisa. Where ever you are, make sure you are wearing it."
Tinanggap ko naman iyon at niyakap ang inang reyna ng mahigpit. Naramdaman ko rin naman ang pagkayakap nya sa akin nang mahigpit kaya hindi ko na napigilan ang paglandas ng mga luha ko sa aking mukha.
Nanatili lang kaming dalawa sa ganong position hanggang sa unang kumalas ang inang reyna sa pagkakayakap sa akin.
Hinawakan naman nya ang mukha ko at biglang naglandasan ang kanyang mga luha sa kanyang mukha.
Masakit mang makita pero buo na ang pasya ko. Ang umalis sa islang ito at gawin ang misyon ko.
"This much you do not understand"
"I understand Enough. but I am Willing to Fight for those who cannot fight for themselves"- me
"like You Once did"-me
"Daiana... You are the most precious thing in the world to me. Ikaw ang pinakamasayang bagay na dumating sa aking buhay. But today... You are my greatest Sorrow."
Tumalikod na ang inang reyna sa akin at hindi lang man ako hinintay na makapagpaalam sa kanya. Wala na rin lang naman akong magawa kaya tumalikod nalang ako at naglakad pabalik sa bangkang may layag na gagamitin namin paalis ng islang ito.
Ng makasakay na ako ay hinatak na ni steven ang anchor paitaas at nilagay sa gilid ng bangka.
Sa huling pagkakataon ay muli akong lumingon sa kinaroroonan ng ina at labis akong nasaktan sa akin nakikita.
Kahit na may kalayoan na kami ay kitang kita ko ang mga luhang naglalandasan sa mukha ng inang reyna.
Bakas ang labis na sakit at pangungulila sa kanyang mukha.
Parang piniga naman ang aking puso habang tinitingnan ang ina reyna habang kami ay papalayo.
"Balang araw magkikita rin ulit kayo" - pagbibigay ng pag-asa sa akin ni steven.
"Hihintayin ko ang pagdating ng pagkakataong iyan."
____________________
%Third Person's POV %
Kasalukoyang naka tayo ang reyna ng mga amazona sa gilid ng tabing dagat habang nasasaktang pinagmamasdan ang anak na nakasakay sa bangkang maylayag papaalis ng isla.
Kahit pigilan pa nya ang pag alis ng kanyang anak ay wala syang magagawa dahil ito ang nakatakdang mangyari.
"Did you tell her?" - tanong nang isang tinig.
Nilingon ng reyna ang pinanggalingan ng tinig at saglit nya itong tinitigan.
Lumapit naman sa kanya ang isang usa at tumabi sa kanya.
"The more she knows... The sooner he find her." - sagot ng reyna sa nagsasalitang usa.
"Hindi mo ba naisip na mapanganib ang lumabas ng isla lalo na nang wala syang kaalam alam sa mangyayari sa kanya. Dapat mong sinabi sa kanya ang totoo"
"Ang katotohanan ay kusang mabubunyag sa tamang oras. Hindi ito ang tamang oras wag nating pangunahan ang oras."-reyna
"Patawad mahal kong kapatid subalit akoy nag-aalala ng labis para sa kanya."
"Kahit ako man ay gayon din, subalit wala tayong magagawa para sa nakatakdang mangyayari. Alam kong alam mo na hindi natin maaring sabihin ang lahat sa kanya. Labag yun sa pinag-uutos ng dyos. Umasa nalang tayo sa tulong na ipinangako ng kanyang ama."-queen
_________________
A/N:
Ayan medjo mahabahaba narin ito sa wakas. Pagpasinsyahan nyo na pong medyo natagalan tong update na to.
Magiingat din kayo mga minamahal kong readers. And please stay safe lalo na sa panahon ngayon na subrang nakakatakot na talaga.
And please vote and comment po kayo ng malaman ko kung ano yung nais nyong edagdag ko sa kwentong ito.
Sana din po magustohan nyo ang part ng storyang ito. Yun lang muna at maraming salamat sa inyo.
Love much you all mwuah!