Chapter 17

888 Words
NAG–IKOT ang paningin niya sa bakuran ng villa pero kahit isang palatandaang naroon ang mag–asawang Kanor at Bising ay wala siyang nakita. Nagtaka siya. Bakit wala ang mga ito? Kung gayon ay baka nga si Mang Kanor ang nakita niya sa Maynila at naroon na pala ito kasama ang asawa. Sa halip na sa loob ng mansiyon ay sa isang maliit na bahay ng katiwala sa tabi ng kuwadra ng mga kabayo niya dinala si Nathaniel. Hindi niya alam pero may tila munting tinig na nagbubulong sa kanyang doon dalin ang binata. Iyon ang mas makabubuti at tama sa pakiramdam niya. Sa munting bahay na iyon na nag–anyong duwende sa tabi ng isang higanteng bahay sila nagpahinga ni Nathaniel. Ilang sandali na lang at sisikat na ang araw. Mamaya na lang nila ipagpapatuloy ang paghahanap sa mag–asawang katiwala. Pinauna na niyang matulog si Nathaniel. Alam niyang pagod na pagod na ito sanhi ng mahabang biyahe at bakas iyon sa paraan ng pagkilos ng lalaki. Sigurado siyang hindi ito papayag na sa isang bangkitong nasa gilid lang siya mahihiga kaya mabuting makatulog na muna ito saka siya magpapahinga. Maya–maya’y nahimbing na rin si Nathaniel. Noon siya nagpasyang mahiga na rin upang matulog. Hindi pa nagtatagal ay narinig niyang tila may kaluskos ng kung ano sa labas ng munting silid na iyon. Pupungas–pungas siyang nagbangon at saka kinuha ang isang tambong nasa isang sulok. Inihanda niya ang sarili at saka maingat na binuksan ang pinto. Sa maliit na siwang ay nakita niya agad ang nakatayong si Mang Kanor. Katabi ito ni…Bullet! Tama! Si Bullet nga habang nanginginain ito ng d**o sa timbang hawak ng matanda. Agad niyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto at saka lumabas upang kausapin ang matanda. “Mang Kanor!” Hindi lumingon ang matanda kahit alam niyang malakas ang tinig niya. Patuloy ito sa pagpapakain ng d**o sa kabayo. “Kadarating lang po namin ni Nathaniel. Natutulog pa siya sa loob at…” “Tama ang ginawa mong dito dalin si Nathaniel. Mas ligtas siya rito dahil walang mag–iisip na narito kayo.” Nagtaka siya. “Bakit po?” “Saglit na panahon na lang at malalaman mo na ang buong katotohanan, Maris. Maiintindihan mo rin. Sa ngayon ay huwag mong pababayaan ang Signore. Ikaw lamang ang tanging pag–asa niya, anak.” “Alam ninyong hindi ko siya pababayaan, Mang Kanor. Pero sino po ba ang nagtatangkang pumatay sa kanya? At ano ang dapat naming gawin?” “Mga Carnal ang nagpapapatay sa kanya. Hindi sila titigil hanggang may natitirang Braganza. Matindi ang alitan ng kanilang pamilya na nagpasalin–salin na sa mga inapo sa paglipas ng taon.” “Anong klase pong alitan na kinailangang umabot pa sa ganito?” “Napakarami na, Maris at napakahaba na rin ng inabot nito. Pero ang puno ng lahat ay ang ninuno ni Nathaniel na si Don Federico na siyang humalay kay Marthina, ang tanging babaeng anak ni Don Samartino Carnal. Hindi kasi matanggap ni Federico nang magpakamatay ang nakababata nitong kapatid na si Carlito nang talikuran ito ni Marthina sa mismong araw ng kasal. Ang sabi’y tinakot ito ng ama na itatakwil kung magpapakasal kay Carlito dahil noong mga panahong iyon ay ibig ng mga itong magmadre si Marthina. Doon nagsimula ang alitan ng dalawang angkan. Lahat ng pagkakataong makita ng bawat partido ay sinasamantala nila upang makapaghiganti sa bawat isa. Sobrang lalim na umabot na rin hanggang sa paniningil ng buhay.” Ayon kay Mang Kanor, may pagkakataong dinukot ng mga Carnal ang mga kababaihang Braganza at hinalay din ang mga ito ngunit sa pagkakataong iyon ay dalawa sa mga nabihag ang napatay. Nagpalitan ng mga madudugong hakbang ang bawat kampo na nakapagtatakang walang nagawa ang batas sa pagitan nilang dalawa. Dahil kapwa makapangyarihan, nailihim ng bawat angkan ang mga nagaganap na krimen at nanatiling sa kanilang lahi na lamang bukas ang mga usaping iyon. Upang sa gayon ay manatili ang alitan sa magkabilang panig sa paglipas ng mga panahon. Ang panahon ni Nathaniel ang naging pinakamadugo dahil nagawang sunugin ng mga Carnal ang buong villa. Nasa loob ng bahay ang mga miyembo ng pamilya nang maganap ang panununog liban kay Nathaniel. Ngunit hindi natiis ng binata ang makitang nasusunog ang angkan kaya’t kahit ikasawi nito ay pumasok ito sa bahay upang makahanap ng maililigtas. Mabuti na lamang at nakita ito ng abogado ng pamilya kaya agad din namang nasaklolohan. Malubha ring nasunog ang kalahati ng katawan nito dahil sa nangyari pero nakaligtas ito hindi gaya ng abogadong nasawi rin sa sunog. “Paano pong nangyari iyon? Ang akala ko’y ang abogado nila ang siyang nagdala kay Nathaniel sa ospital?” “Mag–amang Marquez ang mga abogado ng pamilya, Maris. Namatay ang bata at ang ama nito ang siyang nagpala kay Nathaniel.” Napatango siya. Marami pa sana siyang ibig itanong pero nagpaalam na ang matanda. “Puno ng pagkain ang kusina ng malaking bahay, hija. Maaari kayong kumain roon kung umaga pero ipinapayo kong mag–uwi na rin kayo dito pagsapit ng gabi. Manatili kayo rito hanggang ligtas ang lugar na ito. Mamaya ay magdadala ako ng lutuan dito para hindi na kayo mahirapan.” Nagpasalamat siya kay Mang Kanor at muli nang pumasok sa silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD