Third Person Pov "Maiwan na kita rito, ha?" Paalam ni Ran kay Leira dahil kailangan na niyang mag-ready para sa laban maya-maya. "Sige. Galingan mo, ha?" Nakangiting bilin ni Leira rito. "I will. Wish me luck, sweetheart." "Good luck." Nang-aarok na sinalubong ni Ran ang mga mata nito. "Don't forget na nandito ka para sa akin." "Oo naman. Sino pa bang iche-cheer ko maliban sa 'yo?" "Wala na." "'Yon naman pala, eh. Sige na, mag-ready ka na." Isang nagbababalang sulyap ang ibinigay ni Ran kay Leira bago ito tuluyang iniwan para maghanda. Habang nagre-ready, walang ibang nasa isip si Ran kundi ang muling ilampaso ang dating kasintahan ni Leira. "Johnson." Natigilan si Ran sa pagsusuot ng helmet nang may tumawag sa kaniya. Hindi na niya ito kailangang lingunin para mala

