DAHIL magdamag akong hindi nakatulog ay parang nahihilo ako sa antok kinabukasan. Kaya napilitan akong katukin sa kuwarto nila si Aldin. Siya ang inutusan kong magdala ng susi sa Jolly Hamburger, na bubuksan ng aking bagong crew na si Anna.
"Okay po, daddy," sabi ng panganay kong anak na dali-daling bumangon mula sa kama. Halata ko na tuwang-tuwa siya. "Maliligo lang po ako. Shower lang po kasi naligo na po ako kagabi bago matulog."
"Naligo ka na pala. Maghilamos ka na lang ngayon para madali at madala mo na agad itong susi."
"Mabilis lang po ako, daddy. Nakakahiya naman kay Anna at baka amoy-higaan po ako."
"Talaga naman," sabi kong natatawa. "Binata na. Ayaw na ng amoy-higaan. Ayaw na ma-turn-off ang chick."
"Siyempre naman po," tugon ni Aldin habang kinukuha ang towel sa rack at dali-dali ng lumabas ng kuwarto. Pero nagpahabol pa ng bilin. "Pakilagay na lang po sa center table ng susi, daddy. Matulog na po uli kayo."
"Sige, anak," sabi ko. "Ingat ka mamaya pag-alis mo."
Lumabas na ako sa kuwarto ng mga anak kong lalaki. Eksakto namang lumabas din si Sally mula sa kuwarto ng mga anak kong babae. Napatingin siya sa akin pero agad na binawi ang mga mata at mabilis na pumunta sa kusina. Naibulong ko ang pangalan niya. Ramdam kong galit pa siya kaya aking minabuti na sundan siya para suyuin. Pero hindi niya ako pinansin. Kinausap ko siya pero tila wala siyang maririnig.
"Huwag na nating pahabain pa ang away na ito, Sally," sabi ko sa kanya. "Ngayon pa ba tayo mag-aaway? May bago na tayong bunso."
Hindi pa rin siya umimik. Patuloy lang ang pagkilos niya sa kusina. Napabuntonghininga ako dahil halatang wala siyang balak makipag-usap.
"Kung ayaw mo pa ring makipag-usap sa akin ay hindi kita pipilitin. Pero sobra kong pinagsisihan ang nasabi ko sa 'yo, Sally."
Niyakap ko siya mula sa likuran pero pinagsisiko niya ako kaya napabitaw ako sa kanya. Mula sa lababo ay pumunta siya sa may refrigerator at nang binuksan iyon ay tila naghanap ng kung anong kukuhanin. Talagang iniwasan niya ako. Ayaw pa talaga niyang makipag-usap. Kaya napilitan na lang akong pumasok sa kuwarto.
Nang nasa loob na ako ay agad na humiga sa kama para matulog. Pero dahil sa mga isipin ay hindi din naman ako agad nakatulog. Hindi ko alam kung ilang oras pang naglayag ang aking isipan.
NAGULAT ako ng malamang alas-onse na ng umaga, matapos kong tingnan ang wall clock na nakasabit sa dingding. Bigla akong mapabangon. Kasabay naman niyon ay kumalam ang aking tiyan. Gutom na ako palibhasa'y hindi pa ako kumakain ng agahan.
"Talagang galit pa sa akin ang asawa ko," naibulong ko. "Natiis niya akong hindi kumain ng breakfast gayong nagluto naman siya kanina."
Alam kong nagluto siya dahil sinuyo ko pa siya ng makigising kami at nagpaka-abala siya sa kusina. Hindi nga niya ako pinansin at hindi kinausap na sa totoo lang ay sobrang bigat sa dibdib ko. Hindi ako sanay na mabalewala ni Sally. In fact, ngayon lang nangyari na hindi niya ako inintindi. Hindi kasi puwede sa kanya na hindi ako kakain ng agahan. Dahil ang katwiran niya ay nagpapaka-abala siya sa pagluluto habang tulog pa ang maliit naming anak.
Kaya maliwanag pa sa sikat ng araw na totoong masama ang loob ni Sally sa akin. Hinayaan niya akong hindi kumain ng maaga at minabuti niyang mahimbing na lang ako sa pagtulog.
"Dapat ay magkabati na kami," naibulong ko. "Hindi ko ito gusto. Hindi puwedeng magtagal ang away naming ito."
Tumayo na ako para lumabas ng kuwarto. Pupuntahan ko si Sally para suyuin hanggang sa makipagbati na siya. Pero isang hakbang pa lang ay tumunog ang cellphone ko. Napalingon ako dahil may dumating na mensahe sa aking messenger.
"Kanino naman kaya galing ang chat na ito?" anas ko. Naisip ko na sana ay tungkol sa extra job mula sa mga dati kong katrabaho para may maibigay ako na extra money sa aking asawa. "Para may pangsuhol at magkabati na kami."
Napangiti ako ng maluwang. Kinuha ko ang gadget at tiningnan. Nang malaman ko kung kanino galing ang mensahe ay nakunot ang aking noo dahil nabasa ko ang pangalan ni Cassandra sa screen ng aking cellphone.
"Sinabihan ko na siyang huwag ng mag-chat at baka mabasa ni Sally," bulong ko na agad binura ang message ni Cassandra. "Hindi siya nakinig."
Nainis ako sa kanya. Pero naisipan ko siyang i-chat para sawayin at pagsabihan. Baka kasi mabasa ng aking asawa ang message niya. Naku! Malamang na hindi pa kami nagbabati ay may pag-aawayan na naman.
Huwag ka ng magta-chat. Please, iyon ang tinipa ko sa keypad sa screen ng aking cellphone. Gawin mo ang pakiusap ko dahil kung hindi ay iba-block kita.
Umasa akong hindi na nga siya magpapadala ng mensahe sa akin. Pero hindi nangyari. Si Cassandra ay makulit pa sa dilang makulit. Sige ang kanyang magta-chat, na tila walang pakialam. Kaya ang nangyari ay agad ko na lang idini-delete ang message niya. Hindi ko naman siya mai-block sa aking account dahil nagbabanta. Sasabihin daw niya ng personal sa aking mga anak na pumupunta sa Jolly Hamburger ang tungkol sa aming dalawa.
Hindi ko na naiwasan si Cassandra. Bukod sa tuluyan ko siyang naging chatmate ay nagkaroon pa kami ng secret relationship. Hindi man kami madalas magkita pero nagpatuloy iyon. Kalimitan ay kapag may extra job akong tinatanggap kaya nagkakaroon kami ng pagkakataon.
MULA ng may mamagitan sa amim ni Cassandra ay hindi ko akalain na magiging makulit na siya. Ano pa't ginawa pa niyang sundan ako sa department store na kinaroroonan ko. Nag-chat kasi siya at sinabi na pupunta daw sa Jolly Hamburger. Sinagot ko siya na wala ako roon dahil may emergency call mula sa department manager ng store design at kailangan ng extra artist. At ngayon nga ay nasa harap ko na siya na ngiting-ngiti.
"Anong ginagawa mo rito, Cass?"
"I'm looking at you, Jovert. Hindi mo ba nakikita?" tugon niyang humagikhik saka ako niyakap. "Joke!" Bigla niya akong hinalikan sa pisngi. "I miss you."
Nausal ko ang pangalan niya. Bunga ang aking pagka-asiwa dahil sa ginawa ni Cassandra ay nailinga ko ang paningin. Nahagip naman ng mga mata ko ang nakatayo sa hindi kalayuang si Madam Amanda, na nakatingin sa akin. Bigla akong nakadama ng hiya kaya itinuon ko na muli ang tingin sa babaing mas humigpit pa ang pagkakayakap sa akin.
"Kumain muna tayo, Jovert," anyaya ni Cassandra. "Gutom na ako, eh. Sige na. Please."
"Nasa trabaho ako, Cass," tugon ko sa kanya. Kinalas ko ang pagkakayakap niya. "Hindi ako puwedeng umalis."
Umagwat ako sa kanya. "Maraming tao. Huwag kang showy."
Kinurot niya ako sa tagiliran. Humagikhik. "Ayaw mo dito kasi maraming tao. Ano ang gusto mo? Iyong tayo lang dalawa?"
Muli niya akong niyakap. "Gusto ko rin ang ganoon, Jovert. Iyong tayo lang dalawa."
"Cass, iwasan mo na ako," sabi ko na inalis ang pagkakayakap niya. "May asawa na ako at mga anak. Hindi ko gustong mawasak ang pamilya ko."
Humalukipkip siya at sumimangot. "s*x lang ba ang gusto mo? Hindi mo tinanggihan ang panunukso ko noong una tayong nagkasama at dahil natikman mo na ako ay iiwasan na."
"Dahil mali!"
"It's unfair. Jovert, huwag naman. Sana hindi one-night-stand lang ang namagitan sa ating dalawa. Pahalagahan mo na naman iyon."
"Hindi ko gusto ang nangyari sa ating dalawa. Natukso lang ako."
"Pero mahal kita, Jovert. Nagpaubaya ako at ibinigay ko sa 'yo ang aking sarili because of love. That's serious!"
"Pero hindi nga puwede, Cass. Pamilyado akong tao. Sana ay maunayaan mo iyon. Please!"
Umiling-iling siya. Parang iiyak. Hinawakan niya ang suot kong t-shirt at hinila-hila. "Huwag mo akong balewalain, Jovert. Huwag mo akong iwasan. Ayoko!"
"Cassandra," galit na sabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya at inalis sa paghahawak sa t-shirt ko. "Huwag mong gusutin ang damit ko. Umayos ka nga. May trabaho pa ako."
Natigilan siya. Dahil nakatitig ako sa mukha niya ay nakita ko ang pamumuo ng kanyang mga luha. Napalunok ako. Naantig ang puso ko. Hindi ko naiwasang maawa sa kanya.
"Cass," anas kong inawakan siya sa braso. "I'm sorry. Pero sana'y maunawaan mo ako. Uulitin ko, pamilyado na akong tao. Hindi--"
"Sana'y naisip mo 'yan bago mo ako ginalaw," sabi niyang tuluyang pumatak ang mga luha. "Sana'y iniwasan mo na ako bago may mangyari sa ating dalawa. Oo nga hindi na ako virgin pero pahalagahan mo naman ang p********e ko."
"Cass, ikaw ang pumunta sa Jolly Hamburger at niyakap ako. Tinukso mo ako. Lalaki ako kaya natural na patulan kita."
"Kung talagang mahal mo ang iyong asawa ay hindi mo ako papatulan. Pero ginalaw mo ako. Jovert, sinamantala mo ang pagiging mahina ko."
Pagak akong tumawa. Iniiwas ko ang tingin sa kanya habang umiiling. "Ako pa ba ang sisisihin mo, Cass? Ikaw ang lumapit sa akin."
"Talagang tutukain ng manok ang lumapit na palay." Sabay kaming napatingin ni Cassandra kay Madam Amanda nang marinig namin ang sinabi niya. Hindi namin namalayang nakalapit na pala ito at nakatayo na sa likuran ko.
"Madam Amanda?" anas ko. "Narito ka na pala..."
"Hindi sa nangingialam ako pero alam kong nahihirapan ka sa pinasok mo, Jovert," sabi ni Madam Amanda na tiningnan si Cassandra. "May asawang tao ang pinatulan mo, hija. Mag-isip ka ng maayos."
"Sino ka ba? Bakit ka ba nakikialam?"
"Hindi ako nakikialam" maigting na tugon ni Madam Amanda. "Nagpaalala lang ako. Gusto kong magmalasakit sa inyong dalawa."
"So, wala akong pakialam sa 'yo. Iwan mo kami ni Jovert."
"Cass, umuwi ka na. Nasa trabaho ako."
"Hihintayin kita, Jovert. Hindi pa ako uuwi."
"Please, Cassandra."
"Dito lang ako sa paligid. Sabay tayong mag-lunch. Bye."
Inirapan niya si Madam Amanda bago umalis.
"Maldita," sabi ni Madam Amanda. Umiling siya saka tumingin muli sa akin. "Bakit pumasok ka sa problema, Jovert?"
Sasagutin ko sana siya pero nahadlangan iyon ng pagsapo ko sa sariling dibdib. Bigla iyong kumirot kaya napangiwi ako.
"Bakit?"
Pinilit kong ngumiti saka umiling. "Wala, Madam. Salamat."
"Iwan mo na ang babaing 'yon, Jovert. Magkaka-problema ka sa kanya."
"Oo, Madam. Talagang problema ko si Cass. Nagsisisi talaga ako kung bakit natukso pa ako sa kanya."
"Magiging problema ninyo mag-asawa ang babaing iyon. Hindi ako nanghuhula pero nararamdaman ko..."
Nasapo ko na naman ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit kumikirot ito ngayon. Hinawakan ako sa braso ni Madam Amanda. "Mag-ingat ka, Jovert. Isipin mo muna sanang mabuti ang mga bagay-bagay bago gawin."
Tinanguan ko si Madam Amanda at pinasalamatan. Nagpaalam na siya at umalis. Inihatid ko siya ng tanaw.
"s**t!" bulong ko dahil nakita ko si Cassandra sa hindi kalayuan. Ngiting-ngiti siya habang kumakaway sa akin. "Talagang hindi pa pala umuwi ang babaing 'yon."
"ENERGY drink?" kunot-noong sabi ni Cassandra nang sinipsip ko ang strew ng paborito kong inumin. Nang sandaling iyon ay magkasalo kaming nagmimiryenda sa carinderia sa loob ng isang maraming bahay na lugar sa likod ng pinagtatrabahuhan kong department store. "Iyan na ba talaga ang tubig mo, Jovert?"
"Masarap, eh. Nasanay na ako. Para akong hindi nabubusog kapag hindi ito ang iniinom ko."
"Kaya pala kaninang lunch ay 'yan din ang ininom mo. Hindi ba masama 'yan sa health?"
Pagak akong tumawa. Saka bumulong sa kanya. Napahagikhik siya saka ako hinampas sa braso. Tumitig siya sa akin na sapo ang bibig.
"Totoo," sabi ko pa. "Kaya nga nag-enjoy ka noong first intimate moment natin."
Tumawa ako ng mahina. Saka muling bumulong sa kanya.
"Ito ang sikreto kaya matikas ang Bututoy ko."
"Nakakainis ka, Jovert. Na-miss ko tuloy 'yon. I want to experience that again."
"Gusto mo, Cass?"
"Anong oras ba ang tapos ng work mo?"
"Hanggang five o'clock lang ako. Ano, call?"
"Tapos kaninang umaga mo pa ako gustong umuwi. Nakakainis ka. Kunwari ka pa ay gusto mo naman pala--"
"Ang kulit mo kasi, eh. Sinabi ko naman sa 'yo na huwag mo na akong puntahan pero ito ka pa rin. Ibig sabihin... gusto mo uling makatikim."
Humagikhik na naman si Cassandra. Namumungay ang mga matang tumitig sa akin.
"Ang tikas kasi ng Bututoy mo," bulong niya sa akin. "Masyadong pinatitigas ng energy drink mo."
Sabay kaming napahalakhak. Saka isinarado ang usapan na pagkatapos ng aking trabaho ay tutuloy kami sa motel.