> Isang malakas na OOOOHHHH ang sagot ng mga kalahok. Pumorma ang lahat at naghanda sa hudyat ng MC. > Gamit ang isang razer ay lumipad paitaas ang MC, tumagos ito sa barrier at nanatili sa ere. > Mabilis na tumayo si Fern sa harap ni Avanie at Riviel. "Friskon!" Isang parisukat na barrier ang pumalibot sa tatlo. "Isang barrier?" "Hindi lang 'to isang barrier. Ang Friskon ay isang uri ng malakas na barrier na pumangalawa sa Elkulsiyo. Kung ang Elkulsiyo ay bumabalot sa katawan ng user ang Friskon naman ay gumagawa ng mala kahong barrier para pangalagaan ang user. Isang daang ulit ang tigas nito kumpara sa simpleng barrier kaya hindi 'to basta-basta masisira," paliwanag ni Fern. "Aaaaaarrrrrggghhhh!" sigaw ng isang Maji user sabay labas ng isang malaking espada at ibinaon 'y

