"Ayan! Hindi na natin naabutan yung laban!" reklamo ni Izari sa dalawang kapatid. "Kita niyo? Nagbibigayan na sila ng premyo." "Si Kuya Fegari kasi, nagpumilit pang bumili ng pagkain," walang emosyong turan ni Satari sabay subo sa hawak nitong pinutok na mais (popcorn). "Hah! Sino ba 'tong inikot na yata ang buong Heirengrad makakita lang ng nagtitinda ng pinutok na mais?" "Ang pinutok na mais ang tamang kainin sa ganitong uri ng palabas," sagot ni Satari. "Buti nakakita ka ng nagtitinda niyan Satari." "Oo kuya, nakahilera sila sa labas ng arena." "Aah... kung gano'n, dito ka bumili sa labas ng arena, tapos bumalik ka sa'min at naglakad uli pabalik ng arena. Dahilan para masayang ang maraming oras natin." "Tama ka kuya Fegari." "Kuyaa Izari~~ makakalbo talaga ako ng wala sa oras da

