Umaalingawngaw ang ingay ng mga Nindertal sa loob ng pabilog na arena. Halos hindi na maintindihan ang mga salitang lumalabas sa bibig ng mga ito dahil sa sabay-sabay na pagsasalita. May sumisipol, may nagmumura, meron ding nakatayo habang pumapalakpak. Pero mas marami ang nakaupo lang at tahimik na nanonood. Kabilang na roon ang mga maharlikang dumayo pa talaga sa isla ng Idlanoa para lang mapanood ang taunang Maji tournament na ginaganap lang sa Heirengrad. Pwedeng sumali ang mga taga labas pero mahigpit na ipinagbabawal na sumali ang mga Zu-in. Sa lakas ng kapangyarihan nila, siguradong sisirain no'n ang kasiyahan. Dalawa ang ring sa loob ng arena. Isa para sa one-on-one at ang para sa grupo naman ang isa pa. At sa dalawang ring na ito ay kasalukuyang may naglalabang mga kalahok na M

