"Papel, gunting, bato!" "Papel, gunting, bato!" "Papel, gunting, bato!" Gunting ang kay Fegari at parehong papel naman sa dalawang kapatid niya. "Panalo 'ko mwahahahaha! Akina pera niyo!" Ang usapan kasi nila, kung sinomang manalo sa larong papel, gunting, bato ay bibili ng pagkain sa pamilihan ng Heirengrad pero yung dalawang natalo ang magbibigay ng pera. Sa nanalo na rin mapupunta ang sukli. Dahil wala namang pasok ngayon, nakiusap si Avanie sa kanilang tatlo na h'wag muna itong bantayan. Pumayag sila kahit na nag-aaalala sila na baka kung ano na naman ang mapasukan ng Prinsesa. Nakasimangot na ibinigay ni Izari ang pera niya, dumukot na rin si Satari at inilagay ang isang orie sa nakalahad na kamay ni Fegari. Ding! Nakatanggap ng ISANG orie si Fegari. "Bakit isang orie lang!?"

