Punung-puno ng Nindertal ang buong Heirengrad nang araw na 'yon. Doble rin ang bilang ng mga tindero at tinderang basta na lang pumwesto sa gilid ng daan at nag-aalok ng mga panindang galing pa sa labas ng Heirengrad. Bukod dito, marami ring nakasabit na banderitas na nakatali sa bubong ng mga bahay at makukulay na palamuti na minsan sa isang taon lang inilalabas. Nagkalat din ang mga guwardiyang nakabusangot ang mukha at pawis na pawis dahil sa kapal ng uniporme na isinusuot lang sa tuwing may gera. Subalit walang gera nang araw na 'yon at malayo sa labanan ang dahilan kumbakit sila naroon. Ngayong araw kasi ipinagdiriwang ang Wesratholic Festival. Isa itong kapistahan na ipinagdiriwang sa Heirengrad tuwing sumasapit ang ikaapat na araw sa unang buwan ng taon. Di hamak na mas marami ang

