Kalat na ang liwanag sa buong Landirmir. Nagliliparan na ang mga ibon, nagbabagsak na ng ulan ang mga ulap at naliligo na naman ang malaking estatwa. Maingay na ang mga ibon sa labas pati na ang mga estudyante. Ito ang araw na babalik na sila sa Heirengrad kaya naghahanda na sila. Napabalikwas nang bangon si Avanie at agad na hinagilap ang bimbo sa gilid ng hinihigaan niya. Wala. "Dito ko lang inilagay 'yon ah?" Kamuntik na siyang mapasigaw nang makita ang tatlong ulo, tatlong mukha na magkakapareho. Nakatingin ito sa kanya at namimilog ang mata na para bang may mapa ng kayamanan sa mukha niya. "Gising ka na Avanie-hana!" Walang kurap na turan ni Izari. "Hindi, tulog pa 'ko, nananaginip ka lang," pambabara niya. "Anong nangyari, bakit kayo nagising?" tanong naman ni Fegari. "Dapat

