GABI Pentorel Market district Augwen Punong-puno ng mga tao ang market district kahit gabi na. Maingay, medyo may kasikipan at nagkalat ang iba't-ibang Nindertal galing sa iba pang kaharian. Maliwanag ang mga nakalutang na Maji orbs sa bawat tindahan at maririnig ang samut saring tunog. Mas buhay ang market district sa gabi dahil sa oras na 'to lumalabas ang mga nagtitinda ng ilegal na gamit na may kinalaman sa Maji at iba pa. May nagtitinda ng mga nilalang na bawal ibenta, potions, elixir at mga nakaw na libro na may kinalaman sa Maji spells. Kadalasan, mga pirata at bandido ang makikita pag sapit ng gabi dahil sila ang numero unong nagbebenta at bumibili ng mga ilegal na bagay. Samantala, sa isang madilim na eskinita... "Hindi mo na ba talaga ibababa ang presyo?" naiinis na tanong

