"Ang libro ng dakilang manlalakbay na si Arasul, dalawang libong taon na ang nakakalipas ng maglakbay siya sa buong Iriantal at magbigay ng impormasyon tungkol sa iba't-ibang kaharian at nasulat sa aklat ang tagpo kung saan niya nakilala ang batang hari... ...ang batang hari na nagngangalang Bernon Zeis."
Natigilan si Riviel at nagtatakang tumingin kay Regenni. Napaghahalataan na hindi gano'n kalaki ang nalalaman nito sa kasaysayan ng Iriantal. Sigurado si Avanie na puro teknik lang sa pakikipaglaban ang binabasa ng isang ito. Ang kwento ni Arasul ang isang bagay na pinanghahawakan niya kaya pinaghihinalaan niya ang hari ng Asturia at mas lalo pang nadagdagan ang hinala niya nang marinig ang mga ikinuwento ni Urdu. Ang problema lang, wala siyang sapat na ebidensiya.
"Paano kung kapangalan lang niya 'yon?" dagdag pa nito.
"Maaari, pero isang tanong. Kailan pa nagpalit ng Hari ang Asturia?"
Ilang Segundo ang lumipas bago muling nagsalita si Regenni. "Wala. Tama siya kamahalan, kahit saan sa mga libro ay hindi nabanggit na nagpalit ng Hari ang Asturia. Hindi naman ito gaanong napupuna dahil maliliit lang ang nasusulat tungkol sa Asturia, Isa pa malaki rin ang takot ng mga nindertal kay Bernon Zeis."
"Tama! Kakaunti lang ang ibinabahaging impormasyon ni Bernon Zeis tungkol sa Asturia at dahil wala gaanong espesyal sa nabanggit na kaharian hindi ito pinag-uukulan ng pansin ng mga nindertal sa buong Iriantal. Subalit kapag pinagsamasama ang lahat ng nakasulat sa bawat libro ay sapat ng impormasyon iyon para malaman na ni minsan ay hindi nagpalit ng hari ang Asturia."
Natahimik ang hari at nahulog sa malalim na pag-iisip.
"Matalino ka para sa isang manlalakbay." Puri ni Regenni kay Avanie.
"Sakto lang ang kaalaman ko,"
"Hindi pa rin siya naniniwala." Bulong ni Regenni.
"Nagbabasa ba talaga siya ng libro?"
"Tinutulugan niya ang bawat aralin niya kaya wala siyang natututunan."
"Kawawa naman pala."
"Sinabi mo pa."
"WAG NGA KAYONG MAG-USAP NA PARANG WALA AKO DITO!" inis na sigaw ni Riviel.
"Ipinaparinig talaga namin sa'yo!" sabay na turan ni Regenni at Avanie.
"Gusto mo bang sabihin sa'kin na hindi namamatay ang nilalang na kaaway ko?"
Pinaglapit ni Avanie ang hintuturo at hinlalaki niya. "Konti lang. Hindi natin alam kung talagang imortal siya, lahat ng nilalang dito may kahinaan kaya tiyak na meron din si Bernon." Tumayo siyang muli at lumapit sa tray ng mga pagkain at nagsimula na uling kumain. Kailangan niya ng lakas para bukas. Malamang na meron pang nakakaalam sa mga nangyari. "Bago ko makalimutan Hari, kailangan ko ng kabayo at mga pagkain bukas para sa paglalakbay ko."
"Hindi ka aalis ng Kalaja."
"Anong sinabi mo?" Grabe! Iniligtas niya ito gamit ang sarili niyang katawan kahit na pwede naman siyang gumamit ng Maji. Ginawa niya yon para magkaroon ito ng utang ng loob at makahingi siya ng kapalit. Wala ng libre ngayon aba! Pero sa kamalasan ... mukhang kailangan pa niyang dumaan sa butas ng ilong--este karayom!
"Hindi ka aalis ng Kalaja. Iniligtas mo nga ang buhay ko pero hindi pa rin 'yon sapat para patunayan mo na hindi ka nga espiya ng Asturia."
"Alam mo Hari nakakainis ka, masiyado kang paulit-ulit. Bilog ba ang utak mo at walang ibang pinupuntahan ang mga iniisip mo? Ikinulong mo na nga ako sa tore, tapos ngayon naman na tumalon ako para iligtas ka ayaw mo pa rin akong pakawalan? Sobra ka naman magmahal."
Lalong kumunot ang kunot na kunot ng noo nito. "Baliw ka na! Sige! Umalis ka kung gusto mo! Pero sa susunod na makita uli kita hinding-hindi na kita pakakawalan pa!"
"Awwww.....ang sweet ng mahal na Hari." Napapabuntong hiningang sabi ni Ilya. "Sana sinabi niyo agad na siya ang babaeng mahal niyo para mas naasikaso ko siya ng maayos."
"Tumahimik ka Ilya!"
"Ang kamahalan naman, nahiya pa o, tayo tayo lang naman dito. Lahat ng nilalang dito sa Kalaja iniisip na mas gusto niyo si Regenni-hono kaya hindi kayo naghahanap ng kasintahan. Meron naman pala itinatago niyo lang. "
"Ilya!" Namumula na ang mukha ni Riviel sa galit at hindi nito malaman kung anong idadahilan sa dama. Baka kapag sinabi niyang kaya hindi siya naghahanap ng kasintahan ay dahil wala naman talaga siyang natitipuhan, malamang na isipin nito na may relasyon nga sila ni Regenni. Kinilabutan siya sa isiping yon.
"Tingnan niyo po kamahalan, namumula na ang mukha niyo! Ang cute ng kamahalan, ibabalita ko 'to sa lahat."
Bago pa sila makahuma ay nakalabas na si Ilya. Hindi na talaga maipinta ang mukha ng hari at parang lalamon na ito ng buhay na nilalang.
"Pfft....HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!" Hindi na napigilan ni Avanie ang tumawa ng malakas. Kung sakali ngang may relasyon ang dalawa, sino ang magsusuot ng gown? Ah... malamang si Regenni. "Hahahaha! Ang sagwa! Hindi ko alam na meron kayong bawal na pag-ibig."
Pinandilatan siya ng Hari. "Isa ka pa! Tumahimik ka kung ayaw mong ipasok ko sa bibig mo lahat ng pagkain diyan sa tray."
"Ahahahaha! Ang bawal na pag-ibig ni haring Riviel. Siguro kung manunulat ako, kikita ako ng malaki kung isusulat ko ang kwento mo." Halos hindi na siya makahinga sa kakapigil ng tawa. Akmang aagawin ni Riviel sa kanya ang pitsel pero mabilis niyang nailayo 'yon. "Ooops! Bawal bawi! Wala kang originality!"
"Sa buong buhay ko... ngayon lang ako napahiya ng ganito... sa mismong tagasunod ko pa... at sa mismong kaharian ko pa! Humanda ka sa'kin babae ka!"
"Kailangan ko na atang tumakbo!" Lumundag siya sa ibabaw ng kama para makaiwas, sumampa rin si Riviel at dahil mabigat ang lalaking ito at malambot ang kutson lumubog ang paa nito dahilan para mawalan sila pareho ng balanse. Nahatak ni Avanie ang suot na kurbata ni Riviel kaya dalawa silang natumba at tumapon sa kanila ang laman ng pitsel.
"Ngayon, matitikman mo kung paano magparusa ang galit na hari ng Ishguria. Bukas na bukas din ay ipalilibing na kita ng buhay!" Sabi nito sa delikadong tinig habang tumutulo-tulo pa ang butil ng tubig sa buhok nito.
"Eeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!! Ang bilis ng mahal na hari! Hindi siya nakapag hintay na umalis muna si Regenni-hono!" Sigaw ni Ilya nang biglang bumukas ang pintuan. Kasama na nito ang buong sambayanan.
"Hindi ko inakalang mabilis din pala ang ating kamahalan." Sabi ng isang lalaking tagapagluto ata. May hawak pa itong sandok.
"Ang sweet , sana may magmahal rin sa'kin ng ganyan." Namumulang sabi ng dama.
"Teka, teka, kayong lahat... mali ang iniisip niyo," saway ni Regenni sa mga ito. "Nadulas lang sila pareho kaya nasa ganyang posisyon sila."
"'Wag mo ng pagtakpan ang kamahalan Regenni-hono, halata naman sa mukha ng ating hari na gusto niya ang ginagawa niya. Kasi kung hindi, kanina niya pa sana binitiwan ang binibini."
Agad na tumayo si Riviel at pinagpagan ang damit nito. Sumunod si Avanie at sa sobrang pagkataranta siguro ng Hari, pati damit ni Avanie ay pinagpagan nito. Umani iyon ng tilian sa mga manunuod.
"O siya, siya... magsibalik na kayong lahat sa mga trabaho niyo, masiyado nang naiistorbo ang mahal na hari." Tinulak na ni Regenni palabas ng silid ang sambayanan at lumabas na rin ito.
"TINGNAN MO GINAWA MO!!!" sigaw ni Riviel nang makalabas ang lahat.
"BAKIT AKO??? Ikaw 'tong nag-umpisa e, tapos isisisi mo sa'kin? Ano 'to lokohan?"
"Ano na ngayon ang iisipin nila sa'kin? Na isa akong walang kwentang hari dahil nagkagusto ako sa isang mahirap na nilalang?"
"Waaw! Pasensiya at hindi ako kasing yaman mo 'ah! Wala akong kaharian." Grabe talaga 'tong hari na 'to! Pwede naman nitong itanggi sa lahat na hindi siya ang babaeng mahal nito. Bilog talaga ang utak, mas gusto pa nitong pinahihirapan ang sarili kaysa mag-isip ng paraan.
Hindi naman mahirap si Avanie, hindi niya nga lang pwedeng sabihin sa iba kung saan siya nagmula. Hindi siya babalik hanggat hindi natatapos ang misyon niya dito sa labas.
"Ikaw kasi e, masiyado kang ano, hindi naman kita inaano."
"Ano?"
"Wala! Bingi! Hindi narinig, wala ng balikan... bahala ka sa buhay mo!"
Lalong pang kumunot ang noo nito, nadamay na buong mukha at napahawak ito sa dibdib. Nagsimula na ring magbutil-butil ang pawis sa noo ni Riviel at mukhang nahihirapan na itong huminga.
"O-Oy A-Ayos ka lang?" Nag-aalalang lumapit rito si Avanie pero itinulak naman siya nito palayo.
"Lumayo ka!"
"H-Hindi ka naman magiging halimaw 'di ba?"
"Urgh...aaah!" unti-unting nawawalan ng kulay ang mukha nito.
"H-Hoy! Anong nangyayari sa'yo? Sabihin mo lang kung magpapalit anyo ka para makatakbo ako agad!"
"AAaah! Ha..Ha..Ha..H-Ha...ha ah!"
SAMANTALA....
Hindi pa rin umalis ang sambayanan at nakikinig lang sa may pintuan.
"Urgh...aaah!"
"Ayan na!" Tili ng isang dama.
"Umusog ka nga wala akong marinig!" Itinulak ito ni Ilya.
""AAaah! Ha..Ha..Ha..H-Ha...ha ah!"
"Hala! Mukhang nag-e-enjoy ang mahal na hari."
Balik sa loob ng kwarto...
Hindi na alam ni Avanie ang gagawin. Tatawagin ba niya si Regenni? Pero hindi siya sigurado kung nandyan lang ito sa may pintuan. Akmang sisigaw na siya nang pigilan siya ni Riviel. Napalingon siya rito, nakapikit na ang isang mata nito at halata ang sakit na iniinda.
"Tanga ka ba talaga? Kapag hindi ako tumawag ng tulong ngayon, maaari kang mamamatay! Baka ako pa ang mapagbintangan kapag sumakabilang buhay ka!"
"M-Mawawala rin ito." Habol pa rin ang hininga, dahan-dahan itong nahiga sa kama at pumikit.
"Haaay....bakit ba gustong-gusto mong pinahihirapan ang sarili mo? Masokista ka ba?" Naiiling na sabi niya. Hindi niya pwedeng hayaan na nagkakaganito ang nilalang na ito. Ang sabi ng kanyang ina, tulungan ang mga nangangailangan kahit pa masasama at balasubas ang mga ito kung minsan.
Nanghihina na si Riviel kaya hindi na ito nakatutol pa ng tanggalin niya ang pagkakabutones ng suot nitong suit. Isinunod niyang buksan ang polo sa loob ng suit nito at tinanggal ang pagkakabuhol ng kurbata. Nahantad sa paningin niya ang matipunong pangangatawan ng hari na punong-puno na ng pawis. "Pasensiya na pero ito lang ang magagawa ko sa ngayon." Ipinatong niya ang isang palad sa dibdib nito.
Naglabas ng liwanag ang palad ni Avanie at umikot 'yon sa dibdib ng hari. Unti-unting pumapasok ang liwanag sa loob ng katawan nito. Nang maubos ang liwanag ay naging normal na rin ang paghinga nito.
"Hindi ako umaasang pasasalamatan mo 'ko pero masaya na ko na natulungan kita."
Tuluyan ng nakatulog ito. Doon naman pumasok si Regenni.
"A-Anong nangyari?" Nakita nito ang tulog na hari sa kama at nanlaki ang mga mata nito ng makita ang nakabukas na damit ng hari.
"Nakatulog na siya sa sobrang katigasan ng ulo niya."
"T-Teka? I-Ibig sabihin...ginawa niyo?"(<----GREEN MINDED!)
"Ha?" nagtatakang tanong ni Avanie, nakita niya kasi na namumula ang mukha ni Regenni. Ano ba'ng iniisip ng isang ito? "Anong ginawa? Wala akong ginagawa. Diyan na siya nakatulog, alangan namang paalisin ko pa."
"Akala ko may ginawa kayo. Nakapagtataka lang, bihirang makatulog ang hari kapag wala siya sa silid niya."
Lumapit siya sa tulog na hari at inayos ang unan sa ulo nito. May iniinda ito sa puso kaya mahihirapa itong huminga kapag mababa ang unan. Iniangat niya ang ulo nito at dinagdagan pa ang unan para makatulog ito ng maayos. Kinumutan niya na rin.
"Sobrang pagod na siguro. Ilang beses ba siyang nagpapahinga sa isang araw?" Sunod niyang pinuntahan ang bintana at isinara iyon.
"Mabilis mapagod ang kamahalan dahil mahina ang pangangatawan niya."
Tumingin siya sa kalangitan na puno ng bituin. Tanga ang Haring ito pero ayaw niyang pinag-aalala ang mga tao sa paligid niya. Hindi na siya magtataka kung bakit ganoon na lang ang pagmamahal rito ng mga tao sa kaharian ng Ishguria. Kahit si Urdu ipinagtangol ito nung paghinalaan niya itong may kinalaman sa ginagawa ng mga Barona. Mabait siyang hari. Ayaw niya lang ipakita.
"Avanie... saan ka matutulog?"
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Sa kambal."
"Eeeeeee??? Nakalimutan ko na ang tungkol sa kanila!!!" Malamang na nandiyan lang ang mga 'yon sa tabi-tabi. Siguro ayos lang na hayaan muna niyang maglibot ang mga ito kahit sandali lang. Matagal rin silang nakakulong sa kwintas.
Inilibot niya ang paningin sa buong silid. Mas maliit ang silid na ito kumpara sa bahay pahingahan ng hari. Isang may kalakihang kama na ngayon ay okupado na ng hari ang nakalagay sa sentro. Isang lamesa sa gilid, aparador naman sa may dulo at isang maliit na upuan lang ang tanging gamit sa may kalakihang silid.
"Teka? Saan nga ba ako matutulog? Dito na lang siguro sa upuan."
"Gusto mo bang magpaayos ako ng isa pang silid?"
Umiling lang siya. "Dito ako iniwan ng kambal. Kapag hindi nila ako nadatnan dito, malamang na magwala ang mga 'yon at mangulo sa palasyo."
"Kung 'yan ang nais mo. Nandiyan lang ako sa may pinto para magbantay."
Napangiti siya. Sa wakas naniwala rin ang isang ito na hindi talaga siya espiya. Kung nagkakilala siguro sila sa ibang pagkakataon tiyak na magiging magkaibigan sila agad.
"Regenni-Hono."
"Hmmm?"
"Salamat. Alam kong mahirap magtiwala sa panahon ngayon pero salamat pa rin at naniwala ka na hindi ako isang espiya."
"Sa kalagayan ng hari, hindi ko siya dapat ipagkatiwala sa kung sino-sino. Ang Makita siyang natutulog ng mahimbing sa labas ng silid niya....sapat na 'yon para kahit pa'no mabawasan ang pagdududa ko sa'yo."
Ee?! Sabagay hindi nito alam kung ano talaga ang totoong nangyari.
Nang umalis si Regenni, hindi rin siya naging kumportable sa pagtulog sa upuan. Antok na antok na siya kaya hayun. Naki share siya ng higaan sa tangang hari. Ito ang nakitulog kaya wala itong karapatang umangal. Uumbagan niya ito kapag inangilan na naman siya nito. Ilang saglit pa ay naramdaman ni Avanie ang mabigat na binti na dumantay sa kanya. Sumunod ang kamay.
"Pisti ka talagang hari ka!" Marahan niyang tinanggal ang binti at kamay nito na nakapatong sa kanya. "Pwede ba? Magpatulog ka nga!"
Nakatulog na uli ito. Nakatulog na rin siya.
✴✴✴
"Magiging ayos lang kaya si Avanie-hana Feer?" umupo si Fahnee sa makapal na sanga ng puno na nakaharap sa kwarto na tinutuluyan ni Avanie. Kanina pa tahimik si Feer at hindi alam ni Fahnee kung anong tumatakbo sa isip nito. Napatingin siya sa kamay nitong mahigpit ang hawak sa isang sanga. "May problema ba?"
"Wala." Malamig na sagot ni Feer.
"E, bakit sinasakal mo yang sanga?"
"Wala nga."
"Kung may kamay lang yang sanga na hawak mo kanina ka pa niyan sinampal."
"P-Pinipigilan kong pasabugin yung Kalaja."
Alam ni Fahnee kung bakit. Natutulog kasi ang kanilang prinsesa sa tabi ng (sa tingin nila) isang mababang nilalang. Para sa isang Kaivan na tumitingala sa mga Lunarian, hanggat kaya nila, iniiwasan nilang mapalapit ang mga ito sa mga mabababang uri ng nindertal.
"Magtagumpay ka sana."
"Salamat."
"......"
Wag sanang mabura ang Kalaja sa mapa ng Ishguria.