"Magandang gabi, Haring Riviel... hanggang sa muling pagkikita." Tumuwid ng upo si Avanie tapos ay binalingan ang umiiyak na si Regenni. "Tapos na. Alam kong masakit na sa mismong harapan mo pa namatay si Riviel, kaya umiyak ka lang. H'wag mong pigilin ang luha mo." Tumayo ang Prinsesa at sigurado ang mga hakbang na lumapit kay Regenni. Hindi mabasa ng knight ang iniisip ng babae kaya hindi siya nakapaghanda nang hatakin nito ang espada na nakasabit sa kanyang tagiliran. Isang matalas na tunog ang narinig niya bago niya naramdaman ang malamig na bakal malapit sa kanyang leeg. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ni Regenni si Avanie. Nagtataka kung bakit siya nito tinututukan ng espada? "A-Avanie... a-anong ibig sabihin nito?" "Ngayon na magsisimula ang magandang palabas," turan nito sa

