Chapter 52

4493 Words

Naiinip na itinuktok ni Radness Daji ang hintuturo niya sa nakahalukipkip na braso. Malambot ang sofa kung saan siya nakaupo at nakasandal pero malayo sa pagiging kumportable ang ekspresyon ng mukha niya. Minsan na nga lang niya dalawin si Haring Riviel tapos ito pa ang maaabutan niya. Pumasok si Regenni sa malaking pinto at huminto sa harapan niya. Minsan naiinggit siya sa mahabang buhok nito, hindi niya alam kumbakit kahit bata pa siya ay wala na siyang buhok. Nag-angat siya ng tingin, kitang-kita niya sa mukha nito ang pagka-asar. Bakit nga naman hindi? Pinagbawalan niya lang naman itong makita ang Hari. "Bakit may palagay ako na hindi ka natutuwang makita ako?" Aniya. "Ilang taon na rin magmula no'ng huli tayong nagkaharap, wala man lang ba akong maririnig na 'Kamusta' mula sa'yo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD