Nagsimulang magsitakbuhan ang mga Lonicant palayo. Ang akala ng grupo ay natakot ang mga ito sa kanila pero mali dahil ilang sandali matapos magpulusan ng mga ito ay lumabas naman ang dambuhalang Ginx. Mas malaki ito at may katawan na gaya ng sa alupihan, buntot ng alakdan at ulo ng isang langgam. "Mo-Mo-Mo-Molicant! L-Level 3 Ginx!" bulalas ni Oroba sabay tago sa likod ng mga kasamahan. "Oy kayong lahat! Simulan niyo nang magdasal!" "Avanie!" sabay-sabay na protesta ng mga kasama niya. "Biro lang, kayo naman." "Oy oy lokohan na 'to!" 'yon na lang ang nasabi ni Mume. "Avanie, lalabanan ba natin 'yan?" "Lalabanan? Iyang isang malaking tumpok ng kabaliwan na 'yan?? Sa palagay mo may pag-asa tayong manalo? Aba't oy, tumatakbo tayo para makalabas hindi para ihanda ang katawan natin sa p

