Maayos na nakabalik ang grupo ni Riviel sa safe zone. Halos minuto lang ang pagitan nang sumunod ang grupo ni Moon, agad silang dinaluhan ng mga Dia nang makita ang apat na sugatan. Dali-daling pinapasok ang mga ito sa isang tent at sinimulang gamutin. "Anong nangyari sa kanya?" bungad na tanong ni Riviel sa mga ka-grupo ni Avanie. Pagbalik niya ay naabutan niyang nakakulong si Avanie sa loob ng isang barrier. Gulo-gulo ang kulot nitong buhok at puno ng kumikinang na alikabok ang damit at ulo. Para itong nalaglag mula sa langit at bumaba para lang manakot. "Napagpasyahan namin na ilagay siya diyan dahil dinudumog siya ng mga Adlaw," sagot ni Lorfiet. At gaya ng sinabi nito, nakikita ni Riviel ang maraming Adlaw na panay ang lipad sa palibot ng barrier. "Ang alam ko maiilap ang mga 'ya

