Chapter 41

2377 Words

Maligayang pagdating sa Landirmir!" sigaw uli ni Dracon. "Eh?" "Ha?" "Teka..." "Landirmir!?" ✴✴✴ "Hmmm..." Ikiniling ni Avanie ang ulo sa kanan. "Hmmmm..." Sunod ay sa kaliwa naman sabay lagay ng kamay sa baba. Kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang limang patay na buhay sa harapan niya. Sina Mume, Lorfiet, Oroba, Rantis at Kin. Walang kagalaw-galaw na nakatayo ang lima sa ilalim ng isang puno habang kumakalat ang itim na aura. Nakababa na sila ng Ikbuon at ngayon ay nagpapahinga sa isang malawak na clearing sa gitna ng gubat. Nasa damuhan 'yong iba at ang iba naman ay piniling umupo sa ilalim nang malalaking puno. "Ano ba'ng problema? Pagkatapos niyong marinig ang pangalan ng lugar, daig niyo pa ang namatayan." Asar na nagsalita si Mume. "Hindi mo ba talaga alam o nagtatanga-tangah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD