Isang malakas na tadyak sa mukha ang gumising kay Riviel. Napamulat siya at isang brown na kisame na gawa sa kahoy ang unang tumambad sa kanya. 'Kailan pa naging gawa sa kahoy ang kisame?' Huminga siya nang malalim. Pakiramdam niya may nakadagan sa kanyang dibdib. Bahagya siyang yumuko at tiningnan kung ano 'yong nakapatong sa dibdib niya. May paa. 'Kailan pa 'ko nagkaro'n ng kasama sa kwarto?' "Hmmm..." May gumalaw sa tagiliran at sa pagkakataong 'yon, isang kamay naman ang dumantay sa leeg ni Riviel. 'Ang mas importanteng tanong... nasaan ako?' Inalis niya ang kamay at paa tapos ay dali-daling tumayo. "Anong nangyayari dito?" nagtatakang tanong niya. Nakapalibot lang naman kasi sa kanya ang tatlong Dal at mahimbing na natutulog. Dahan-dahan niyang sinipa ang isa sa mga Dal at gu

