Mabilis na nakabawi si Chance mula sa pagkakabagsak niya sa lupa. Pinagpagan niya ang damit at nilingon si Lou pero wala na ito roon. "Kita mo yun? Hindi man lang ako tinulungan makatayo." Binalingan niya si Hadis na ngayon ay nakatayo sa gitna ng isang malaking Maji circle. Alam niya kung ano 'yon at isa lang ang ibig sabihin nito. "Haay... alam kong nahihirapan siyang labanan ako pero, kailangan ba talaga niya ng tulong galing sa Carvian, di ba pwedeng mano-mano? Aaah... nakakaasar." BOOM! Isang malakas na pagsabog ang pumailanlang sa paligid at nanggaling ito sa lugar ni Draul at Hamnigel. Mukhang hindi lang si Hadis ang nagpalabas ng Carvian. Pati si Hamnigel sumunod na rin. Naglalaban pa rin ang mga mangangalakal at mga Maji users, naitumba na ng mga ito ang isa sa tatlong Carvian

