JAYDEE "Baliw ka, Celine!" sigaw ko rito. Gusto ko iparating na nababaliw na nga siya. Mula sa kamay niya ay matalim ang tingin ipinukol sa akin saka humakbang palapit sa kinaroroonan ko. "No, Celine. Don't hurt her. Ako na lang ang saktan mo, please…" pakiusap ni Lucas ngunit nagpatuloy si Celine sa paglapit sa 'kin. Nang nasa harap ko na siya ay isang ngisi ang pinakawalan niya. "Oh, ang hindi mamatay-matay na impakta!" mariing sambit nito at nagpakawala ng sampal na halos ikabingi ko. "Celine!" sigaw ni Lucas. Ngunit dahil tila sa paraan na lang iyon mailalabas ni Celine ang matagal ng gusto niyang gawin sa akin ay nagpatuloy siya sa pagsampal sa magkabila kong pisngi. Halos namamanhid na ang pisngi ko dahil sa ginagawa niya pero hindi ito tumigil na padapuin ang palad sa p

