JADE Lumabas si Lucas at sinara ang pinto habang nanatiling nakapako ang mata sa asawa ko. Hindi namin magawang pumasok sa loob dahil nakaharang siya sa pintuan. Sa laki niyang tao at sa lapad ng pangangatawan niya, kahit yata ibalya siya ay hindi ito matitinag. Mula sa katabi ko ay dumako ang tingin niya sa akin. "Hindi mo ba ako ipakikilala sa kasam mo, Jade?" tanong niya ngunit tila may diin ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko at muling binalingan ang katabi ko. "Ah, oo nga pala. Love, si Lucas, siya ang blood donor ni Lexus. Lucas, si Tristan, asawa ko," pakilala ko sa dalawa. "Nice meeting you, Tristan Guillermo. Finally, we've met again," may ngisi sa labi na sabi ni Lucas ngunit mababanaag sa mata ang nagbabagang tinging pinupukol sa katabi ko. Napamaang din ako dahil sa

