JADE Kinabukasan, pag-alis ni Lucas ay tumawag muna ako sa magulang ko para hindi na sila mag-alala sa akin. Pagkatapos ay inabala ko ang sarili sa paglilinis ng bahay. Ayaw ko maukupa ang isipan ko ng mga sinabi ni Tristan dahil baka sumakit lang ang ulo ko. Ayaw sana ako pakilusin ni Amy dahil baka raw pagalitan siya ni Lucas. Pero sabi ko ay ako naman ang magagalit sa kanya kapag hindi niya ako pinakilos sa bahay. Wala na siyang nagawa kung 'di ang tulungan na lamang ako sa aking ginagawa habang si Lexus ay abala sa paglalaro nito. Nang tapos na ako maglinis ay bumaba na kami para naman magluto ng tanghalian. Pagkatapos ko magluto ay pinatawag ko kay Amy ang limang bodyguard para kumain ng tanghalian. Pero tatlo lang ang kasama ni Amy pagbalik. Ang sabi ng mga ito ay hindi raw sila

