Warning! (R-18) Not suitable for minors. Kindly skip if you're not comfortable.... ****************************************** Napalunok siya sa binulong nito. Ang depensa niya ay tila unti-unting tinitibag nito. Pero muli nanamang bumangon ang pagdududa niya sa katauhan nito. No, Elix Khale! Trust no one! Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya. Mabilis niyang inangat ang mga kamay at buong lakas na itinulak ito. Ang lalaki naman ay lumagapak sa gilid niya, hindi nito napaghandaan ang ginawa niya. "Ouch!" napaigik ito sa pagkakabalibag. Tumayo siya at akma niya itong sisipain mula sa pagkakahiga pero mabilis itong gumulong at tumayo. "Elix, stop it!" sigaw nito sa kaniya. Tila rin ito naalarma sa galit na nakikita nito sa mga mata niya. Nagpupuyos ng literal ang damdamin niya.

