Parang halos kulang na lang ay liparin ni Amaryllis ang papunta sa condo ni T-Ross. Ang puso niya at walang tigil sa pagkabog, hindi niya halos maipaliwanag ang walang katumbas na paggapang ng kaba sa dibdib niya. Alam niyang hindi nito maililigtas ang sarili dahil sa gamot na isinaksak niya rito. "St*pid! Ang t*nga mo talaga, Amaryllis!" paninisi niya pa sa sarili. Napaangat ang tingin niya ng makita na mabagal ang takbo ng sinasakyan na taxi. "Manong, may ibabagal pa ho ba itong taxi ninyo? May hinahabol ho ako at mamamatay na siya kapag hindi ako nakarating sa oras," may inis na sa tono niya pero pilit pa rin na pinapakalma ang sarili. Medyo may edad na rin kasi ang driver. "Ay Hija, hindi tayo pwede mag-overspeeding. Mahal ang tubos ng lisensya," paliwanag nito sa kaniya. Napabun

