Naalimpungatan siya sa sakit ng leeg niya. Dumilat siya at napagtanto na nakahiga siya sa isang kama habang nakapaling sa kanan ang ulo. Kumurap-kurap siya bago marahan na bumangon at pinatunog ang leeg pakaliwa't kanan. "Aww!" ungol niya habang nakasapo sa may leeg na kumikirot at nangangalay. Mga ilang years ba ako nakatulog at ganito na lang kasakit ang katawan ko? Tanong niya sa sarili habang umuusog na pababa ng kama. Pinalibot niya ang mga mata sa loob ng silid. Maluwag ang silid na halos nangingibabaw ang kulay na puti. Nasa Ospital ba 'ko? Pero wala naman na dextrose o kahit na anong gamit na mayroon sa ospital siyang nakikita. Patuloy na pagkausap niya sa sarili habang pilit inaalam kung nasaan siya at inaalala ang mga nangyari. Sinipat niya ang suot niya at napaawang ang la

