Dire-diretso ang lakad niya papasok sa loob ng Bureau. Nakalagay sa magkabilang bulsa ng jacket ang kamay niya. Seryoso ang mukha at nakatiim ang mga labi. Nakasalubong niya ang isang agent na taga-crime division. "Nandiyan ba si Fierro?" tanong niya rito. Napakunot pa ang noo nito. Tila nagtataka kung bakit Fierro lang ang tawag niya kay T-Ross at hindi commander. "Ahm, umuwi lang saglit sa condo niya para magpalit ng damit. I-iyon ang sabi niya," halos magkandautal ito sa pagsagot sa kaniya. Itsura kasi niya ay parang tigre na handang lumaban sa giyera. Walang salita na tinalikuran niya na lang ito basta at naglakad palabas. May mga naririnig pa siyang nagbubulungan pero hindi na lang niya pinansin. Wala siyang oras, may misyon siyang dapat maisakatuparan. Nang nasa hallway na siya

