Chapter 9 ANG. LIHIM NA KAPATID

450 Words
Pagkaraan ng ilang buwan sa unibersidad, lalo pang tumingkad ang pangalan ni Elijah sa klase. Hindi lang siya matalino, may disiplina rin siyang hinahangaaan ng mga propesor. At dahil dito, pinili siya bilang student representative sa isang prestihiyosong interschool competition sa business strategies. Sa unang araw ng orientation, pumasok siya sa malawak na conference hall. Makinis ang sahig, malamig ang hangin, at punô ng mga estudyanteng halatang galing sa mga kilalang pamilya. Habang naglalakad siya sa gitna ng mga mesa, napahinto siya. Isang binatang may matangos na ilong, matikas ang tindig, at may suot na mamahaling relo ang tumayo sa entablado upang magpakilala. “Good morning. I’m Lucas Villareal. I’ll be representing Northview University.” Para bang huminto ang oras sa paligid ni Elijah. Ang apelyido. Ang anyo. Ang tikas. Walang duda — anak siya ni Clara. Habang abala ang iba sa pakikinig, nanatiling tahimik si Elijah, ngunit sa kanyang dibdib ay rumaragasa ang damdamin. “Ito na siya… ang anak na pinili niya. Ang kapatid kong hindi niya kailanman binanggit.” Makalipas ang orientation, nagkrus ang kanilang mga landas sa hallway. Sa gulat ni Elijah, siya pa mismo ang unang lumapit. “Hey, ikaw yung top student sa batch niyo, ‘di ba? Elijah?” Tumango siya, pilit ang ngiti. “Impressive,” sabi ni Lucas, sabay abot ng kamay. “Hope we can work together someday.” At doon nagsimula ang kanyang unang paglapit. Sa mga sumunod na linggo, sinadya ni Elijah na makasalubong si Lucas sa library, sa mga lecture, at sa mga student forums. Tahimik siyang nakikipagkaibigan, mabait ngunit hindi sobra, matalino ngunit hindi mayabang. Unti-unti, nagtiwala si Lucas sa kanya. Sa isang gabi ng group study, ikinuwento ni Lucas ang kanyang buhay — ang yaman ng kanilang pamilya, ang pagiging busy ng kanyang ama, at ang pagiging “strict pero loving” ng kanyang ina… si Clara Villareal. Habang binabanggit niya ang pangalang iyon, bahagyang napatigil si Elijah sa pagsusulat. Hindi siya tiningnan ni Lucas, kaya hindi nito nakita ang bahagyang pagnginig ng kamay niya. “Loving?” bulong niya sa isip. “Hindi ko alam na may kakayahan pala siyang magmahal.” Sa unang pagkakataon, nasaksihan niya ang isang bahagi ng mundo ng kanyang ina — hindi bilang kalaban, kundi bilang ina ng iba. At doon niya napagtanto: upang masira ang mundo ni Clara, kailangan munang pasukin ito nang lubos… at gamitin mismo ang anak nitong si Lucas bilang susi. Sa gabing iyon, habang naglalakad pauwi sa dorm, mahigpit niyang hinawakan ang strap ng kanyang bag. Tahimik siyang nagpanata: “Lucas, mahal ka niya… kaya ikaw ang magiging pinakamahina niyang bahagi. At kapag nahulog ka sa bitag ko, doon ko siya sisimulang gibain.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD