Kabanata 8

1987 Words
Kabanata 8 Aristotle's POV Hindi ko alam ang gagawin. Simula noong gabing iyon, hindi na bumalik si Mikay. Ang bawat araw na lumilipas ay parang mabigat na pasan sa aking balikat. Hinahanap ng puso’t katawan ko ang presensya niya ang ngiti niya, ang init ng kanyang mga mata, ang lakas na dala niya sa bawat sandaling magkasama kami. In love ako sa kanya. Hindi ko na kayang itanggi. Pero kasabay ng pag-amin na iyon, naroon ang matinding bigat. Alam kong mali. Alam kong hindi ko dapat hayaan ang damdaming ito na manaig. Pero paano ko ito pipigilan kung ang puso ko mismo ang nagtataksil sa mga pangako ko? Pinipilit kong linawin ang isip ko. Ito ang tanong na paulit-ulit kong binabalikan. Sino ang pipiliin ko? Ang landas na tinahak ko para maglingkod sa Diyos, o ang pagmamahal ko kay Mikay? Gulong-gulo na ako. Tuwing tumingin ako sa krus, ramdam ko ang bigat ng mga mata ng Panginoon na tumitingin sa akin. Parang hinihintay Niya ang sagot ko, pero paano kung wala akong sagot? Hindi ko alam kung kaya kong bitawan ang anuman sa dalawa. Pareho silang bahagi na ng pagkatao ko. Pero sa ganitong sitwasyon, hindi ko mapigilang tanungin ang sarili. Kaya ba ng pagmamahal ko kay Mikay na talikuran ang lahat? O mas mahalaga pa rin sa akin ang pananampalataya ko? Sa kabila ng lahat ng gulo sa isip ko, isa lang ang sigurado. Hindi na ako mapakali. Kailangan kong gumawa ng desisyon. Pero paano ko ito gagawin nang hindi wasak ang alinman sa aming dalawa? Sa anim naming magkakapatid, ako lang ang nagdesisyon na tahakin ang landas ng paglilingkod sa simbahan. Ito ang pangako ko kay Daddy bago siya pumanaw. Alam niyang may matibay akong pananampalataya, at ako naman, naniniwalang ito ang tamang daan para ipakita ang pagmamahal ko sa Diyos at sa kanya. Pero lahat ng iyon ay tila nabaligtad noong dumating si Mikay. Sa bawat pagkakataong magkausap kami, parang may bagong pinto na bumubukas sa puso ko. Nag-iba ang takbo ng isipan ko. Isang simpleng pangarap na maglingkod at manatili sa simbahan ang kinakapitan ko noon, pero ngayon, parang siya na ang nasa gitna ng lahat. Kaya ko bang talikuran ang pangakong ito para kay Mikay? Ang tanong na ito ang paulit-ulit na bumabagabag sa akin. Alam kong hindi magiging madali ang desisyon. At alam ko rin na hindi magiging madali para sa pamilya ko na tanggapin si Mikay—hindi dahil sa kung sino siya bilang tao, kundi dahil sa estado niya sa buhay. Isa siyang homeless woman, isang taong marahil ay hahatulan agad ng lipunan at ng pamilyang nagpalaki sa akin. Pero para sa akin, si Mikay ang nagpatibok ng puso ko sa paraang hindi ko inasahan. Hindi ko kailanman nakita ang estado niya bilang hadlang. Nakita ko ang tapang niya, ang kagandahan ng kanyang kaluluwa, at ang katotohanang siya ang nagbibigay sa akin ng lakas na harapin ang bawat araw. Tanggap ko siya—buo, walang pag-aalinlangan. Ang tanong ay, kaya ko bang ipaglaban si Mikay? Kaya ko bang harapin ang pamilya ko, ang lipunan, at ang Diyos para sa kanya? At higit sa lahat, kaya ko bang talikuran ang landas na pinili ko bilang pari, hindi dahil sa kahinaan, kundi dahil sa pag-ibig na hindi ko inaasahan? Ang daming tanong na bumabagabag sa isipan ko. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga ito. Alam kong may malaking posibilidad na kamuhian ako ng aking pamilya kung sakaling tatalikuran ko ang pangako ko sa kanila at ang sinumpaang paglilingkod ko sa Diyos. Ang mga mata ng mga kapatid ko, ang alaala ni Daddy lahat sila’y parang nagmamasid, naghihintay kung ano ang pipiliin ko. Pero paano ko rin ipapaliwanag ang bigat na nararamdaman ko? Ang hirap ng sitwasyon ko. Sa gitna ng banal na misa, kung saan dapat ang buong atensyon ko ay nakatuon sa Panginoon at sa mga panalangin, ang isip ko ay nasa kabilang dako. Si Mikay. Siya ang laman ng puso’t isipan ko. Kahit anong pilit kong ilayo ang sarili ko sa kanya, pabalik-balik ang mukha niya sa alaala ko. Naririnig ko ang tinig niya, nakikita ko ang mga mata niyang puno ng tapang at kahinaan. Parang pinapaalalahanan ako ng puso ko na siya ang totoo, na ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi simpleng pagkagusto—ito’y pagmamahal na bumalot sa buo kong pagkatao. Habang tinutuloy ko ang misa, napansin kong nanginginig ang kamay ko habang hawak ang ostiya. Pilit kong pinakalma ang sarili ko, pero ang damdamin ko’y parang isang bagyong hindi mapigilan. Ano na ang nangyayari sa akin? Ito ba ang parusang dulot ng pagmamahal na hindi ko dapat naramdaman? O ito ba ang hamon ng Diyos, upang malaman ko kung ano talaga ang halaga ng puso ko? Sa bawat pagbigkas ko ng panalangin, alam kong hindi sapat ang mga salita para magpaliwanag sa gulong nararamdaman ko. Mikay, bakit bigla kang dumating sa buhay ko? Bakit binago mo ang lahat ng alam kong tama? Lahat ginawa ko upang sandaling makalimutan si Mikay ngunit 'di ko magawa. Ang hirap, tumatak na siya sa puso't isipan ko. Nandito ako ngayom Lahat ng paraan ginawa ko upang sandaling makalimutan si Mikay—ang mga dasal, ang pagbabad sa mga gawaing simbahan, ang paglimot sa mga alaala naming dalawa—pero hindi ko magawa. Parang iniukit na siya sa puso’t isipan ko, at kahit anong pilit kong burahin, lalo lang siyang nagiging malinaw. Narito ako ngayon sa loob ng silid ko, nakaupo sa tabi ng maliit na mesa kung saan nakapatong ang krusipihiyo. Ang lugar na ito, na dati’y nagdadala sa akin ng kapayapaan, ngayon ay tila nagiging saksi sa gulong bumabalot sa pagkatao ko. Nakapikit ako, pilit na inaabot ang tahimik na bahagi ng isipan ko. Pero imbis na katahimikan, si Mikay ang bumabalik. Ang mga ngiti niya, ang paraan ng pagtingin niya sa akin, ang mga sandaling magkasama kami. Paano ko ba siya aalisin sa isip ko kung bawat bahagi ng alaala niya ay tila naging bahagi ko na rin? Huminga ako nang malalim, pinipilit na kontrolin ang damdamin ko. Pero sa halip na gumaan, lalo lang bumibigat ang lahat. Hinawakan ko ang krus, umaasang sa sandaling iyon, maririnig ng Diyos ang hinaing ko. “Panginoon,” bulong ko, “ano po ba ang dapat kong gawin? Ang hirap po. Bakit Niyo ako hinayaan maramdaman ang ganito kung alam Ninyong mali? O baka po sinusubok Niyo lang ako?” Napansin kong nanginginig ang kamay ko habang hawak ang krus. Hindi ko alam kung mas malakas ba ang pagmamahal ko sa Diyos o ang pagmamahal ko kay Mikay. Ang alam ko lang, sa kabila ng lahat ng ito, siya ang nagbigay sa akin ng damdaming hindi ko pa naramdaman kailanman. Tila isang labirint ang buhay ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung anong desisyon ang tama. Pero isang bagay ang sigurado—ang nararamdaman ko para kay Mikay ay totoo, at iyon ang pinakamatindi kong kinatatakutan. Araw ng Sabado, at napagdesisyunan kong umuwi sa amin sa Nueva Ecija. Pakiramdam ko, kailangan ko ng pahinga mula sa lahat ng bumabagabag sa isip ko. Gusto kong mag-unwind, kahit sandali lang, at makahanap ng saglit na kapayapaan. Habang nasa biyahe, iniisip ko kung paano ko haharapin ang pamilya ko, lalo na’t ramdam kong tila unti-unti akong lumalayo sa mga pangarap nila para sa akin. Pagdating ko, sinalubong ako ng balitang nahanap na raw ng kapatid kong si Reysan ang nawawala niyang asawa. Matagal ko nang naririnig ang kuwento ng pagkawala nito, pero sa totoo lang, ni minsan ay hindi ko pa nasilayan ang mukha ng asawa niya. Sa bawat pagtitipon, laging may dahilan kung bakit hindi ito nakararating. Isa siyang misteryo sa aming pamilya—parang pangalan lang na madalas banggitin, pero walang konkretong larawan sa isipan ko. "Aris, sakto ang dating mo!" masiglang bati ni Reysan nang makita niya ako sa sala. "Nandito na siya, gusto ka niyang makilala." Napatigil ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang biglang bumigat ang dibdib ko. Nasa likod ba ng lahat ng ito ang takot na makita ang isang taong maaaring maging bahagi ng mas malalim na kwento? O baka naman ito’y simpleng kaba lang dahil sa bagong mukha na makikilala ko? "Talaga? Nasaan siya?" tanong ko, pilit na itinatago ang pag-aalinlangan. "Nagpahinga muna siya sa kwarto. Kanina pa kasi siyang biyahe," sagot niya. Kita ko sa mga mata ni Reysan ang saya, na bihira ko lamang makita. Gusto kong maging masaya para sa kanya, pero hindi ko maalis ang pakiramdam na may kung anong darating na hindi ko inaasahan. Habang naghihintay sa sala, sinubukan kong alalahanin ang mga kuwento tungkol sa asawa ni Reysan. Sino kaya siya? Ano ang dahilan ng pagkawala niya noon? At bakit parang may bahagi ng sarili kong kwento ang tila maiuugnay sa pagdating niya? "Kuya Aris!" masiglang tawag ni Sophia, ang bunso sa aming magkakapatid. Ang tinig niya ay parang bumalik ako sa mga panahong wala pang gaanong komplikasyon sa buhay—noong mas simple ang lahat. Lumapit siya at agad yumakap sa akin. Mahigpit ang yakap niya, na parang matagal na talaga niyang hinihintay ang pag-uwi ko. Napangiti ako, kahit pa ramdam ko ang bigat sa dibdib ko dahil sa mga iniisip ko. "Bakit ngayon ka lang umuwi, kuya?" tanong niya habang nakatingala sa akin. Nasa mukha niya ang tila halong tuwa at pagtatampo, pero mas nangingibabaw ang kasiyahan. "Hectic kasi ang schedule, Sophia," sagot ko habang hinahaplos ang buhok niya. "Pero heto, nandito na ako." Ngumiti siya nang malapad at umupo sa tabi ko. "Sobrang na-miss ka namin, kuya. Lalo na si Mama. Lagi kang kinukumusta. At saka, ang daming nangyari habang wala ka!" "Talaga? Anong nangyari?" tanong ko, sinusubukang i-focus ang sarili ko sa mga kwento niya. Gusto kong i-enjoy ang sandaling ito kasama ang pamilya ko, kahit pa may bumabagabag pa rin sa puso ko. "Si Kuya Reysan, di ba? Nahanap na niya ang asawa niya! Finally! Mamaya makikilala mo na siya," excited niyang kwento. Halos tumatalon ang boses niya sa saya. Tumango ako, pilit na pinapakalma ang sarili ko. "Oo nga, nabalitaan ko. Excited na rin akong makilala siya." "Hindi pa ba umuuwi si Mama?" tanong ko habang nakatingin kay Sophia. May bahagyang lungkot sa tinig ko matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Ang huling pag-uusap namin ay sa telepono pa, at kahit anong saya ng pagbati niya noon, ramdam ko ang pagod at pangungulila sa boses niya. "Hindi pa, Kuya eh," sagot ni Sophia, na bahagyang napayuko. "Kailangan niyang tapusin ang kontrata niya sa Saudi bago siya makauwi dito. Sabi niya, baka next year pa." Tumango ako, kahit may kirot sa dibdib. Ganito na lang lagi si Mama na laging nagsasakripisyo para sa aming magkakapatid. Simula pa noong bata pa kami, siya na ang nagtatrabaho para maitaguyod ang pamilya. Iniwan niya ang sariling kaligayahan para sa amin, at ngayon, parang hindi ko magawang balikan ang mga sakripisyo niya. “Naglalaan naman siya ng oras para makatawag sa amin dito Kuya," dagdag ni Sophia. "Pero iba pa rin talaga kapag nandito siya." "Oo nga," sagot ko, pinipilit na ngumiti. "Kumusta naman si Mama? Hindi ba siya masyadong nahihirapan doon?" Umiling si Sophia, pero halata sa kanya ang pag-aalala. "Sabi niya okay lang siya, pero alam mo naman si Mama. Hindi iyon nagsasabi ng totoo kapag pagod na talaga." Napabuntong-hininga ako. Isa pa itong dahilan kung bakit mas lalo akong nalilito sa mga desisyon ko sa buhay. Paano ko haharapin si Mama kapag nalaman niyang baka hindi ko magawang sundin ang pangakong iniwan niya sa akin? Kung nalaman niyang may bahagi sa akin na nag-iisip na talikuran ang landas na pinili ko dahil kay Mikay? Tahimik kaming nagpatuloy sa kwentuhan ni Sophia, pero sa loob-loob ko, damang-dama ko ang bigat ng sitwasyong ito. Habang sinusubukan kong magpahinga at kalimutan ang gulo ng isip ko, lalo lang dumadami ang mga tanong na hindi ko alam kung paano sasagutin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD