CHAPTER 16: TRUTH OR DARE

1532 Words
Paglabas ko ay busy ang lahat at may kani-kaniyang mga ginagawa. Sina Xander at Tyler ay nag-aayos ng bonfire na gagamitin namin, samantalang si Lance ang naghahakot naghahakot ng mga kahoy na gagamitin panggatong. Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin sila, akala mo ay hindi nanggaling sa byahe. Mabuti na lang at nakatulog pa ako kanina nang makarating.Lumapit ako sa pwesto nina Chesca na kasalukuyang nag-iihaw ngayon. Kumuha ako ng isang stick ng hotdog sa mga naluto nila at isinawsaw sa suka. "Saan ka nanggaling? Hindi mo daw pinansin si Isabelle kanina." Inisang subo ko ang hotdog at inubos muna ito bago magsalita. "Sa kwarto lang, medyo bwisit kasi ako kanina kay Lance. Hihingi na lang ako ng sorry kay Isabelle mamaya." Inabot ko ang pamaypay sa tabi ni Chesca at nakipaypay sa iniihaw nila. Buti na lang at nagsuot ako ng jacket at nakapajama na pantulog. Sobrang lamig na kasi dito sa labas. Ewan ko ba sa kanila at mukhang hindi sila nalalamigan. Ibinaba ko ang hawak kong pamaypay at kumuha ng nalutong barbeque. Umikot pa ako ng pwesto para tumapat sa mas mainit na parte dahil nakakaramdam na ako ng lamig. Kahit nakatayo ako ng maayos ay ramdam ko pa rin ang panginginig ng kalamnan ko. Mabilis kong inubos ang barbeque at pinagkiskis ang dalawang palad ko. Inilibot ko ang aking paningin at halos naka set-up na ang lahat. Masaya ako na nakalabas kami na tulad nito. Ito ang unang beses na nagbakasyon ako na kasama ang kaibigan. Hindi naman kasi kami lumalabas at nagbi-beach ni Chesca noon. Bukod sa mga trip na may kinalaman sa Elites, ay pagpunta sa mga mall ang tanging bonding namin na nagagawa. "Lance, ano ba! Huwag mong ubusin ang mga barbeque. Mag-ihaw ka ng sa'yo." Napatikhim ako at napa-iwas ng tingin dahil feeling ko ay Isa rin sa sinabihan n'ya. Sa mga naihaw din kasi ako ni Claire kumuha ng hotdog. Pasimple na lang akong naglakad palayo sa kanila at dumiretso sa table kung saan may nakapatong na juice. Wala pa akong nakakain na kanin pero pakiramdam ko ay busog na ako. Ibinaba ko ang baso nang maubos ang laman nito at masama itong tinitigan. 'Ikaw ang sumira ng mood ko kanina.' "Nadz, halika dito. Truth or Dare tayo." Napalingon ako kay Margaux nang tawagin n'ya ako. Kumpleto na sila at nakapalibot na sa bonfire na ginagawa lang nila kanina. I just nod at her and leave the glass on the table. Sa tabi ako ni Chesca naupo na pinagsisihan ko rin dahil mismong si Lance pa ang katapat ko. Nang makita ko na nakatingin s'ya sa akin ay pinagtaasan ko lang s'ya ng kilay at sinamaan ng tingin. "Wait guys, may kulang. Nasaan si Stephen?" Doon ko lang napansin na wala pa nga si Stephen. "Baka nasa loob pa. Kasama ko lang s'ya kanina eh.” Simpleng sabi ko. Hindi ako sigurado kung nasa loob nga ba s'ya. Baka dahil naka-inom na at may problema ay mas piliin n'ya na matulog na lang. "Magkasama kayo?" Nakaramdam ako ng kaunting kaba nang makita ko ang madilim na reaksyon ni Lance. "Akala ko ba, gusto n'yang mapag-isa?" Nanatili lang akong tahimik. He's staring blankly from nowhere, at para bang sarili n'ya ang tinatanong n'ya. Tatayo na sana ako para hanapin si Stephen nang marinig ko kay Isabelle na papunta na s'ya. He came from the right wing, ang direksyon kung saan nandun kami kanina. Napakunot ako ng noo, hindi ba s'ya umalis noong niyaya ko s'ya? "Ano yan?" Sinundan ko ang tinitingnan ni Claire. Isang maliit na supot ang dala ni Steve na may tatak na logo ng isang pharmacy. "Oh!" Napaatras ako sa pagkaka-upo nang ibato n'ya sa direksyon ko ang kan'yang dala. Hindi ko ito nasalo, pero dahil nakaupo ako ay sa mga binti ko ito pumatak. Tiningnan ko s'ya nang may pagtatanong. Ang mga kasama naman namin ay mukhang ganoon din. "Ointment 'yan." Tahimik akong tumango nang maintindhan ang ibig n'yang sabihin. Siguro ay napansin n'ya ang pamumula ng noo ko kanina. Nang maupo s'ya sa harap, katabi ni Lance ay nginitian ko s'ya. Nag-abala pa talaga s'ya. Feeling ko naman ay maayos na ito dahil nalagyan ko na ng cream kanina. "Since kumpleto na tayo, pwede na nating simulan ang game. Maglalaro tayo ng truth or dare. Ang mechanics ng game ay kapag 'truth' dalawang tanong ang kailangan mong sagutin at kapag hindi mo nasagot, kailangan mong uminom ng isang canned beer. Kapag naman 'dare' isang utos lang, pero kapag hindi mo nagawa at dalawang canned beers ang iinumin mo. Maliwanag ba?" pagpapaliwanag ni Margaux na sinang-ayunan naman ng lahat. Nagsimula nang i-spin ang bottle. Una itong tumapat kay Chesca at si Claire ang magtatanong o mag-uutos sa kan'ya. "Chesca, truth or dare? "Truth" "Ito ang tanong, Chescka." Inilapit ni Claire ang mukha n'ya kay Chesca kaya natawa kami nang muntik na itong matumba. "May nagpapatibok na ba ng puso mo?" "Anong klaseng tanong naman 'yan Claire?" Halatang naiilang na si Chesca dahil nagsisimula nang mamula ang mga pisngi nito. Ang mga kasama namin ay nagsimula na rin s'yang asarin. "Sagot na kasi Chesca." "Meron" Dahil sa sinabi ni Chesca ay mas lalong umingay ang paligid. Nakangiti ko naman s'yang tiningnan para asarin, pero napansin ko na kaagad ang kakaibang ekspresyon ni Stephen. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila at napalunok. "Whaaa!!! Sino? Kilala ba namin?" Itinulak tulak pa ni Claire ang braso ng kanyang katabi na si Tyler at Steve. Parang robot naman si Steve na walang karea-reaksyon, samantalang halata ang inis sa mukha ni Tyler dahil sa ingay ni Claire. "Is that for your second question?" Mukhang na-hulaan ni Claire ang gagawin ni Chesca kaya napanguso na lang s'ya. "Yup!" Si Margaux ang sumagot sa tanong na mukhang interesado rin sa magiging sagot ni Chesca. Tulad nang inaasahan, ininom ni Chesca ang isang canned beer. Pagkaubos ay kaagad n'yang pinaikot ang bote na tumapat kay Tyler. "Truth or Dare?" Sabay sabay naming tanong. "Dare" Napa-palakpak si Isabelle nang marinig ang sagot ni Tyler. S'ya kasi ang mag-uutos dito. Bago sabihin ang kan'yang dare ay nagtawanan pa ang tatlo. "Nakikita mo ba ang dagat na yun? Kailangan mo lang magbabad doon sa loob ng tatlong minuto." "What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tyler. "Go babe!" Nilingon nito ang girlfriend na ngayon ay tumatawa at nakikipag-high five kina Claire. "Babe, traydor ka. Ala-una nang umaga oh, sobrang lamig" Pero kahit nagrereklamo ay walang magawa s'yang tumayo at naglakad papunta sa dagat. Natawa pa kami nang malakas nitong sipain ang isang canned beer na walang laman. Nagpatuloy ang paglalaro. Akala ko nga ay makakaligtas ako sa larong ito dahil sa loob ng halos kalahating oras naming paglalaro ay hindi man lang ako tinatapatan ng bote, pero nagkamali ako. Dahil mukhang dumating na ang badluck ko. Tumapat na sa akin ang bote. "Dare" Sabi ko kahit wala pa silang tinatanong. "Okay, ang kailangan mo lang gawin ay —" "Sandali, ako ang magbibigay ng dare!" Napatingin ako kay Lance na masama ang ipinupukol na tingin kay Stephen. Ito kasi ang magbibigay ng dare sa akin dahil dito nakatapat ang kabilang dulo ng bote. "Ayoko nga. Si Stephen ang dapat na magbibigay ng dare hindi ba?" Inagaw ko sa kan'ya ang bote at iniabot kay Stephen. Baka kung ano pang iutos n'ya sa akin. Lahat pa naman nang lumalabas sa bibig nito ay nakakapagpakulo ng dugo ko. "Bakit? Natatakot ka ba sa ipapagawa ko?" Presko nitong sabi. Nainis ako sa sinabi n'ya. Ang yabang talaga kahit kailan. Ano naman ang dapat kong ikatakot sa kan'ya? "Fine. Ano ba ang dare mo?" Walang gana kong sagot pero sa totoo lang ay nagsisimula na akong mag-isip ng posible n'yang iutos sa akin. "Remember our Deal? In 5 months, you need to say yes." Hindi ko alam kung ano bang sinasabi n'ya na mangyayari in 5months. May mga naiisip ako, pero ayokong tanggapin. Hindi ako makapag salita. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Kung sa normal na sitwasyon, siguradong kanina ko pa s'yang nasapak pero bakit hindi ko magawa ngayon? Hindi ko mahanap ang mga salita na gusto kong sabihin. "Ayoko" Kahit bawal ay diretso kong ininom ang canned beer na nasa harap ko. Hindi ko talaga nagugustuhan ang lasa nito. Ang init sa lalamunan at gumuguhit din ang pait. Nagtataka nga ako kung bakit madami ang nahihilig sa pag-iinom, eh hindi naman masarap ang lasa. "Nadz, bakit ka naman uminom? Alam mo naman na may side effect sayo 'yan." Nginitian ko lang si Chesca para sabihin na okay lang ako. Ngayon lang Naman eh, hindi naman siguro makakasama agad sa akin. Nagpatuloy ang paglalaro at game na game talaga sila sa mga dare. Si Tyler ay kaka-ahon lang mula sa dagat at nakikipag-agawan ngayon kay Claire para s'ya ang makapag-utos kay Isabelle. Nararamdaman ko na ang pagsakit ng ulo ko. Nahihilo ako at parang umiikot ang lahat sa paligid ko. Tumayo ako para sana pumunta sa banyo nang mas lalo akong nakaramdam ng hilo. Hindi ko na kayang alalayan ang sarili ko, kaya nawalan ako ng balanse. Narinig kong nagkakagulo sila. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila, pero naririnig ko sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD