CHAPTER 17: INSIGNIA

1403 Words
I woke up disoriented and with a terrible headache. I can feel my face swelling and, despite my desire to speak, I am unable to do so. My mouth is parched, and my throat hurts. I stretch my hand to reach the person who is peacefully asleep in the corner. His head is on my bead, and half of his body lies on the floor. I can clearly see the dark circles under his eyes given the distance. "Nadz, are you okay?" I motioned with my hand to stop Chesca from saying anything she was about to say. Nang makita n'ya si Lance sa may paanan ko ay naintindihan n'ya naman ang ibig kong sabihin. She maliciously smile and I just glared at her. "Whatever you are thinking, stop it." But it seems that she doesn't want to since she comes close to me simply to tease me. "Alam mo ba, alalang-alala 'yan sa'yo. S'ya pa nga ang bumuhat sa'yo para madala ka dito sa kwarto mo. Kung nakita mo lang ang mukha n'ya kagabi. Hindi ko nga alam kung kanino ako maaawa eh, sa'yo ba na nawalan ng malay o sa kan'ya na mukhang mahihimatay rin dahil sa pag-aalala sa'yo?" Tiningnan ko si Lance na mahimbing na natutulog, bakit mo naman kailangan na mag-alala para sa akin? Ayokong mag-isip ng kung ano, pero hindi ko maiwasan. The only thing I wish for now is sana, mali ako. "Okay na naman a-ko." Napapiyok ako sa huling sinabi dahil sa p*******t ng lalamunan ko. This is not the first time that it happened to me, kaya kahit papaano ay hindi na ako naninibago sa mga nararamdaman ko. "Naku! Kung hindi lang kita kaibigan, sinasabi ko sa'yo. Alam mo naman na may alcohol intolerance ka pero ininom mo pa rin. Ano ba yung 5 months na sinasabi n'ya? Nadz huh! Hindi ka na nagku-kwento. Madami ka ng inililihim sa akin." Napa-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi n'ya. Naalala ko na naman ang sinasabi ni Lance na deal. Ayokong mag-assume pero masama ang nararamdaman ko tungkol dito. Hindi ko maipaliwanag pero may naghahalong takot at kaba sa dibdib ko kahit na hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang ibig nitong sabihin. "Oh my god! Namumula ka." "Sshh, huwag ka ngang maingay, baka magising pa 'yan at isipin n'ya na pinag-uusapan natin s'ya." Saway ko dito nang lumakas ang boses n'ya. Bakit ba kasi ang OA n'ya palagi mag-react. Isa pa, hindi naman ako namumula. Kung may lakas lang sana ako para mapa-alis s'ya, baka ipinagbukas ko pa s’ya ng pinto. "S'ya naman talaga ang pinag-uusapan natin diba." Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil mukhang ayaw n'ya talagang magpa-awat. Kung hindi lang masakit ang lalamunan ko ay kanina ko pang napagsabihan si Chesca. Inabot ko ang unan sa aking may likod at sinandalan ito para maka-upo ako ng maayos kahit nasa kama. "Ikuha mo na lang ako ng tubig." Sabi ko sa kan'ya at umayos ng pwesto. Dahil sa paghila ko ng kumot ay hindi sinasadyang nasanggi ko si Lance. Nagising tuloy ito dahil sa akin. Nanlalaki ang mga matang napatitig s'ya sa akin. Sinipa ko s'ya sa may braso nang ilang ulit n'yang kinusot ang dalawang mata na para bang hindi makapaniwala sa nakikita. "You're real" Bulong n'ya sa sarili na narinig ko naman. Hindi ko s'ya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng kumot sa aking binti. "It feels great to wake up and see your face the moment I open my eyes." "Ano bang sinasabi mo?" Singhal ko sa kan'ya. "Ang ganda mo lalo sa umaga" "Napasukan ba ng lamig 'yang ulo mo? Lumabas ka na nga ng kwarto." Utos ko sa kan'ya dahil kung ano na naman ang lumalabas sa bibig n'ya. Bakit ba antagal ni Chesca na bumalik? Tubig lang naman ang kinukuha n'ya? "Pero okay ka na ba? Wala ka bang ibang nararamdaman?" Tumayo s'ya at lumapit sa akin. Kahit nakasandal na sa headboard ng kama ay napa-atras pa rin ako palayo. Bakit ba ganito 'to? Bigla bigla na lang lumalapit. Ang bilis ng t***k ng puso ko at nang ilapat n'ya ang kamay sa aking noo ay mas dumoble pa ang bilis nito. Wala ang nanlalamig n'yang mga kamay sa tuwing hahawakan ako. Ngayon ay mainit ito at magaan, kahit na tinitingnan n'ya lang ang kalagayan ko ay ramdam ko pa rin ang pag-iingat. "May naiistorbo ba ako dito?" Napapiksi ako palayo dahil sa gulat. Muntik pa akong mauntog sa dingding kung hindi lang naihara ni Lance ang kamay n'ya. "Ano ba! Nanggugulat ka." Ibinato ko dito ang unan at wala akong pakeelam kung mabubo pa ang tubig na dala n'ya. Tinawanan n'ya lang ako at ibinaba ang baso at isang plato na may laman na pagkain sa tabi ko. "Paalala lang na may sakit yung isa d'yan kaya kailangan na magpahinga ah." Panunukso n'ya pa kaya nilingon ko si Lance na nakatayo lang sa gilid ko at parang walang pakeelam. "Lumabas ka na nga." Utos ko dito pero naupo pa ito sa tabi ko at inabot ang pagkain na dala ni Chesca. Hinalo halo nito ang soup at hinipan bago ini-abot sa akin. "Say ahh..." What the hell? Inagaw ko ang kutsara at mangkok kay Lance at sinamaan ito ng tingin. Ang kaninang pagkahilo at p*******t ng lalamunan ay nawala, pero sumakit naman ang ulo ko dahil sa mga pinaggagawa nang dalawang ito. Hindi naman ganito si Chesca noon, pero ngayon ay naging libangan n'ya na ang panunukso sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nahawa na s'ya kina Claire at Isabelle. Hindi ko tuloy alam kung tama ba na pinapasok namin sila sa buhay namin. At si Lance, mas lalong hindi s'ya ganito. Mas gusto ko yung Lance na una kong nakilala. Yung tinarayan ko at palagi akong inaasar. Mas gusto ko na hindi s'ya lumalapit sa akin para tulungan ako, at mas gusto ko yung wala s'yang pakeelam. I don't need them showing me any affection. Wala akong pakeelam kung nag-aalala lang s'ya bilang kaibigan o ano, but I am better without them. "Buti na lang talaga at nandito ka Lance. May makakatulong ako para alagaan si Nadz." "Shut up, Chesca." Paninita ko dito. Padabog kong ibinaba ang hawak kong mangkok at diretsong ininom ang tubig. Natahimik silang dalawa, naramdaman siguro nila na hindi na ako nakikipagbiruan. Bigla na lang nag-iba ang mood ko at hindi ko alam kung tama pa ba ang mga naiisip ko. May parte sa akin ang gustong humingi ng sorry sa kanila dahil lumalabas na wala akong utang na loob. Na sa kabila ng tulong at pag-aalala nila ay ganito pa 'ko. But, at the same time, there is a part of me that does not want to, kasi hindi ko naman ito hiningi sa kanila. Kusa nila itong ibinigay. "Nadz, are you okay?" Nakaramdam ako ng guilt nang mabakas ko ang pag-aalala kay Chesca. May kung anong nagbara sa lalamunan ko. I took a deep breath and calmed my self. "Yes, I.. just want to be alone." "Lance, tara muna sa labas. Hayaan muna natin si Nadz na makapagpahinga." "Is that a tattoo?" Mabilis akong napalingon kay Lance dahil sa tanong n'ya, kahit si Chesca ay hindi nakagalaw sa pwesto n'ya. He is intently looking at my mark in my shoulder blade. Kaagad ko itong tinakpan ng kamay at nag-iwas ng tingin. I used makeup to conceal my mark, although it may have faded because I had already slept. "No, just uhm.. I got this when I.." Hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil wala akong maisip na dahilan. Nilingon ko si Chesca na mukhang natauhan sa sitwasyon namin ngayon. "Ahh yes, it's a tattoo. We have that mark during freshmen as a sign of our friendship. So let's go? Kailangan na rin kasing magpahinga ni Nadz." Pagdadahilan ni Chesca at hinila na si Lance palabas. Kahit mukhang napipilitan ay sumama si Lance kay Chesca. Doon pa lang ako nakahinga nang maluwag nang makalabas sila sa kwarto. Inalis ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa aking balikat at tiningnan ang tattoo ko dito. I sighed with relief when I realized that Lance never saw the entire mark. The concealer had faded, but the figure was not noticeable. This symbol serves as my identification as a member of the Elites in J-Venile. It's a butterfly trapped in a web, with the word 'uno' written on top of it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD